Chapter 14: Knowing fist 5 and the mystery of new students

114 8 0
                                    

Misume's POV

Nandito ako ngayon sa apartment ko at nag-aayos para pumasok pero bago iyun, dadalawin ko muna si Chesy sa hospital. Nakasuot ako ngayon ng t-shirt at mahabang palda. Nakatali rin ako ng papusod at nakasuot ng salamin. Kung ang nasa isip niyo ay mukha akong manang, ay tama kayo. Nakadisguise parin ako hanggang ngayon para hindi na maulit ang nangyari nung isang araw kung saan ay nakilala ako.


(Hospital)

"Wag ka na lang pumasok!" Chesy

"Matino akong estudyante kaya kailangan kong pumasok."

"Bakit kasi hindi pa ako pwedeng ma-discharge dito? Ok naman na ako ah!"

"Mas magaling ka sa doctor? Tsaka next week pwede ka ng lumabas dito noh!" 

"Hindi naman ako maglililikot eh."

"Alam mo ba Ches? Maganda ka. Maputi, makinis ang balat, at maganda ang pangangatawan. Gusto mo bang mawala ang lahat ng iyun?"

Bigla naman syang umiling

"Kung lalabas ka, matutuklap yang mga sugat mo. Mas lalala, at magkaka-impeksyon. Mag-iiwan yan ng marka sa balat mo. Magkakapeklat ka, masisira ang kutis mo. At pagnasira ang kutis mo, may chance na mangitim ka. 

At pagnangyari ang lahat ng iyon, papanget ka na. Gusto mo pa bang lumabas?"

Nanlalaki naman ang mata nya at umiling ng todo.

"Sige Misume, alis ka na. Baka kasi malate ka pa eh! Hehehe"

"Ha? Akala ko ba gusto mo ng umalis sa lugar na'to."

"Nagbago na isip ko noh! Sayang ang aircon tsaka ang sarap pala nila mag-service dito ngayon ko lang nalaman. Hehehe. Mag-eenjoy muna ako dito kahit umabot pa ng three weeks. Sige alis ka na, ok lang ako dito, ang lambot ng kama noh?" Ches

Madali naman palang kausap.

"Hmmm, sige pagaling ka ah? Sayang kasi ang ganda mo baka wala ng magkagusto sayo."

"Ay! Maaga daw pala dapat ako matulog ngayon sabi ng doctor para mabilis ang recover. Sige, goodnight Misume" sabay taklob nya ng kumot.

Mukang pati utak may damage na rin, goodnight kahit 11AM pa lang?

Umalis na ako sa room niya at pumunta muna ng CR.

Pag-angat ko ng tingin, may nakita akong babaeng nakasandal sa gilid ng pinto ng CR. Medyo malayo ako sa puwesto niya kaya hindi ko makita ang itsura niya. Bigla syang nag-angat ng tingin at lumingon sa direksyon ko. 

Sya yung babae noon sa school sa gilid ng puno, tingin ko sya rin yung babae sa Arena nakaraang araw. Blanko ang ekspresyon nyang nakatingin sa akin. Mayamaya ay bumuka ang bibig niya at may sinabi pero pabulong. Matapos nun ay umalis na sya at dumaan sa kabilang gilid.

Hindi ko man narinig ay nabasa ko naman ang mga sinabi niya sa kanyang bibig.

'mag-iingat ka'


(Amecella University)

Nandito na ako ngayon sa classroom at gumagawa ng assignment para sa mamayang subject, tinatamad kasi ako gawin sa bahay.

BLAG

Nagulat naman ako sa malakas na pagbukas ng pintuan. Ang Fist 5 pala, himala na pumasok sila ngayon. Muntikan ko ng makalimutan na classmate ko pala sila dahil hindi naman sila pumapasok sa klase.

Nangungunang pumasok sila Third at Fourth na nagbabangayan. Sumunod naman si First na naka poker face lang, at sina Fifth at Second na may pinag-uusapan. 

WANTED: The Return Of The Kage (On-going)Where stories live. Discover now