Chapter 47 Ilde Institute

515 35 3
                                    

Dark's Pov

Habang nag lalakad ako ay hinde parin talaga ako makapaniwala na nangyayari lahat ng ito, siguro namam ay hinde din ito panaginip kaya naman masaya ako at may lungkot.

Masaya ako dahil nabuhay ako uli dito sa pinapangarap kong mundo at puno ng mahika at malungkot naman ako dahil hinde ko kasama ang magulang ko. Pero mas na nanaig sa lahat ay ang saya.

Kanina ay sinabihan din ako ni dracious na pumasok ako sa academia dito at sa sector para mag karoon ako ng koneksyon at mag karoon ng kaalaman tungkol sa mundong ito. At ang pangalan nya pala ay dracious

At ngayon ko lang din nakita ang aking itsura na walang pinagbago. Pero nag bago langay ang suot kong damit.

Isang oras ang lumipas.......

Makalipas ang isang oras ay nasa tarangkahan na ako ng malaking kaharian na ito, sa harapan ko ay may mga taong nakapila o mas karaniwang tawag na 'Rouge Adventurers' at sa simula naman ng pila ay mga gwardia na nag iinspeksyon ng mga gamit.

Kaya naman pumila nalang din ako, maya maya pa ay ako na ang susunod kaya naman tinanggalan kona ng marka ang aking interspacial ring at inabot sa gwardia.

"Ito na ang id mo, nasa loob. At sigurado kabang ayan lang ang interspacial ring mo?!" sabi ng nag iinspeksyon.

Kaya naman bilang tugon ay tumango nalang ako. At inabot nya uli saakin ang interspacial ring ko kaya naman sinuot ko ito at minarkahan. Ang gamit kasi ng pag mamarka ay lalagyan ng soulforce ang interspacial ring para maramdaman mo ang laman nito. Sa pamamagitan din nito ay hinde ito magagamit ng mas mahina sayo.

Kaya naman ng makuha kona ng aking sing sing ay umalis na ako at nag patuloy. Sa ngayon ay kaylangan ko munang mag pa rehistro para maging opisyal na mamamayan dito sa kaharian na ito. At ang pangalan ng kaharian na ito ay ilde. Kaharian ng Ilde.

[Game Features Is Now Merging!]

1%....2%.................100%

[Game Features Is Now Merge.]

[Host Profession Learn]
[Black Smith]
[Alchemist]
[.......etc]
[...etc]
[Etc.]

Dahil sa nangyaring iyong ay napahinto ang aking utak sa pag iisip dahil sa sobrang dami ng mga alaala ang pumapasok sa aking utak. Kaya naman pinakalma ko muna ang aking sarili. Hanggang sa mawala na ang sakit sa aking isipan.

Kanina ay muntik na akong mahimatay mabuti nalamang ay nawala ng kaunti kaya hinde natuloy. At ngayong nalaman ko na ay naguguluhan ako. Hanggang sa narinig ko ang boses ni dracious.

"Pasensya na hinde ko inaakalang ganyan ang kakalabasan. Haha. Sinama kona ang suot mong baluti sa iyong ulo noong buhay kapa. Kaya hanggang sa muli nalang.!"

Sabi nya kaya naman napa smirk nalang ako dahil sa tawag nya sa NG, at ngayong alam kona ang mga game features sa larong nwo ay sigurado akong ako na ang pinakamatalino dito.

Kaya naman ang una ko munang gagawin ay ang mag parehistro, at para makapag parehistro ay kaylangan may koneksyon ka sa mga guilds dito. At para mag karoon ay mag aaply ako sa academia dito, dahil alam ko naman na may paaralan dito na mga mahika at panglaban ang itinuturo.

Kaya naman mag tatanong muna ako kung nasaan ang academia dito para makapasok na ako. At pag naka pasok na ako ay mag papa taas na ako ng ranggo.

"Tatang, saan po ba ang academia dito?" tanong ko sa isang lalaking dumadaan sa aking harapan. At ramdam kona mas malakas sya saakin dahil sa aura na nilalabas nya.

New World Online [Under Construction]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें