Chapter 40 A Ghoul

571 34 4
                                    

Dark Pov

Ng nasa plaza na kami ay may nag lalaban laban kaya naman nanood muna ako habang nag iisip ng ipapangalan sa aking bagong pet. Sa ngayon ay wala pa akong maiisip dahil sa t'wing iniisip ko ang pet at sumasagi saaking isipan sila umbra at azure. Ngayon ay hinde ko tuloy maiiwasang malungkot pag sila ay inaalala ko.

Pero panandalian lang naman iyon dahil nang yari na ang nang yari kaya wala ring magbabago kahit pa gumuho ang mundo. Kaya naman tinuon ko na lang ang pagiisip ko sa pangalan mg aking pet.

Ilang laban na ang nagaganap at oras na rin ang lumipas ngunit wala parin akong maiisp na ipangalan sa aking yakap yakap na tigre. Hanggang sa may pumasok sa aking isipan ang salitang 'Leo' kaya namam ayon na ang nilagay ko sakanyang info.

Di nag tagal ay natapos na din ang nag lalaban kaya naman umalis narin kami ni althea doon. Tinanong ko din sya kung ano ang pedeng gawin at sabi nya ay bakit hinde nalang lumabas tayo at simulan ang paglalakbay kaya naman bukas na bukas ay mag lalakbay agad kami.

Kaya namam nag log out narin ako at natulog na para sa maghapong laro bukas. Sayang lang at wala kaming trip ng mga kaibigan namin kaya pura laro lang muna hinde naman din ako nagaalala sa grades ko dahil hinde ang isang papel lang ang magdidigta ng kapalaran ko.

Saturday 7:18am

Kakagising ko lang at babangon palang ako para mag hilamos. Bumangon na ako atnag hilamos na at bumama para kumain at doon ay nadatnan ko ang mga magulang ko na nag uusap habang kumakain.

Sumalo narin naman ako sakanila at nag kwentuhan lang kami.

"Anak, matanong ko lang, ano ng nangyari sa kaliwa mong mata. Nakokontrol mo na ba?" tanong sa akin na dad. may roong talagang kakaiba sa aking mata. Pero hinde lang ito dahil sa may sakit kundi sa totoong mga ghoul daw.

Nung una ay hinde ako naniniwala dito dahil sa anime ko lang naman ito napapanood pero simula nang naakasidente ako noong 6 palang ako. Naaksidente ako noon kasama ang hinde kilalang lalaki, nawawala ako noong mga oras nayon at wala rin akong alam sa mga nangyayari sa paligid.

Pumunta kami sa madilim nalugar ng lalaking iyon, alam ko namam mabuti sya dahil sya ay personal nurse ng mommy ko sa hinde ko malamamg sakit. Kaya kami dumaan sa madilim na parte ay dahil marami ng masasamang loob ang kumumuha at pumatay at sa oras narin iyon ay minals kami.

May isang payat na lalaki ang lumapit saamin na naglalaway, kulay itim na mga mata at sa gitna noon ay ang kulay pula. Hinde ko alam kung ano iyon kaya namam hinde ko na pinansin. Pero sa hinde malamang dahilan noong bata pa ako ay inatake kami noon pero hinde basta basta ang nurse na kasama ko.

Mayroon syang nilabas na ballpen at may pinindot, ng pindutin nya iyon ay naging isang maso ma malaki at mahaba, nag laban sila noon at ng bigla nalang naging patusok ang kanyang kamay at doon nag laban ang nurse at ang lalaki. Ako ay nasa sulok habang pinapanood sila habang nag lalaban.

Hanggang sa napatalsik nya ang nurse namin at tumama sa pader, nilingon ako ng lalaking itim ang mata at nagulat nalang ako ng bigla akong nanlamig sa bandang dibdib ko at nang tignan ko ay nandoon ang kamay ng lalaki at may kinukuha, at doon ay nawalan ako ng malay.

Isang linggo ang nakalipas at nag karoon na ako ng malay. Sabi nila ay transplaned ang aming katawan ng lalaking umatake saakin. Ginawa ito ng personal nurse ni mommy kaya daw nabuhay ako. Malaki ang pasasalamat namin sakanya noon mapahanggang ngayon.

At simula noon ay bigla bigla nalang mag iiba ang kulay ng aking kaliwang mata, nung una natutuwa ako dahil akala ko ay mayroon akong super powers pero nabago lahat iyon ng lumipat na kami sa tokyo. Dahil doon ko napanood kung paano nila patayin ang mga may katulad kong may itim na mata at tinatawag nila iyong 'Ghoul' kaya dahil doon ay sinanay kong kontrolin ang kaliwa kong mata.

New World Online [Under Construction]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt