Tumawa ako nang mahina. Ayaw niya kasi talagang 'di ako nagpapaalam. Madalas kasi tumatakas lang ako sa bahay. Maaga kasing natutulog sina Nanay Gabbi at Tatay Kenneth. Si Papa naman, nasa kuwarto lang niya kapag walang trabaho. Naglalaro ng online game.

"Ako pa ba?" pagmamayabang ko.

Pinagsalubungan niya ako ng kilay.

"Anong ikaw pa ba? Sampal ka sa'kin, Natasha!"

"Nagpaalam ako!" natatawa kong sabi. "Gising pa nga si Papa e."

"Weh? Anong sabi? Buti pinayagan ka?"

"Pinagtimpla ko ng kape. May tinatapos daw na trabaho."

"Huh? Anong oras na kaya? Puwede namang bukas na 'yon."

"'Yon na nga! E 'di mo rin naman mapipigilan si Papa."

Nagkamot siya ng ulo. "Tara na nga! Baka magbago pa isip ni tito."

"Tara!"

Pinagulong namin ang mga skateboard. Nauna si Betty at sumunod naman ako sa likod niya. Dumausdos kami pababa hanggang sa huminto kami sa may kanto kung saan nandoon na rin ang iba naming mga kaibigan.

Kung sino sino ang kaibigan namin basta nakakasama sa skateboard o pagbibisikleta. Ang pinakamalapit sa akin ay sina Betty, Laurence at Kiko.

"Ayan kompleto na tayo!" Masayang deklara ni Betty.

"Baka tumakas na naman 'yan ha?" Biro ni Laurence.

"Nagpaalam daw," si Betty sabay apir sa mga kaibigan namin. Ganoon din ang ginawa ko hanggang sa maharap ako sa bagong mukha.

Our eyes met. Saglit na tumigil ang mundo ko. There were dusts of magic in his smiles. Ginapangan ako ng mahinang elektrisidad sa puso.

"Hi," he greeted with a soft breath.

"Oy!" Tapik ni Betty sa lalaking kaharap ko at inakbayan niya ito. "Si Aaron pala. Pinsan ni Kiko."

"Aaron," pakilala ng bagong mukha sabay lahad ng kamay sa akin.

"Natasha," pakilala ko at tinanggap ang kamay niya. "Bagong lipat?"

Una akong bumitaw sa kanyang magaspang na kamay. I stepped back to distance from him.

"Yup. Kahapon lang actually," he replied.

"Nice. Welcome to the group!"

"Thanks," he chuckled.

"Tara na! Tara na!" Anunsyo ni Betty. Aaron and I both laughed at her.

Bisikleta ang gamit ni Aaron dahil 'di siya marunong mag-skateboard. Halos malibot namin ang buong subdivision. Ang ingay pa naman namin.

"Hinaan niyo boses niyo. Baka mabulabog 'yong mga tulog!" Sita ko sa kanila. Narinig nila ako pero mas masaya sila kaya 'di nila ako pinansin.

"Kumusta?" Aaron asked me all of the sudden. Sumasabay siya sa bagal ng pagskateboard ko. Nauna naman sila Betty at iba pang kagrupo namin.

"Ayos lang. Ikaw ba?"

"Ayos lang din. Dito ka na ba lumaki?"

"Yup. Ikaw? Bakit dito kayo lumipat?"

Hindi kaagad siya nakasagot. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa kalsada.

"Long story," he said. "But to make it short, wala na kaming mapupuntahan."

Nag-iwas ako ng tingin at 'di na nagsalita. Napagdesisyunan kong maglakad nalang at bitbitin ang skateboard. Tahimik na kami after that.

"Pinsan mo pala si Kiko," sabi ko.

"Oo. Sa side ni Mama."

"Close ba kayo ni Kiko?" Nilingon ko siya. Saktong nagkatinginan kami.

"Yup," he nodded. "Parang magkapatid na kami niyan."

"Talaga? 'Di ka naman niya nababanggit sa amin."

"Eh? Kailangan pa ba 'yon?"

"Siyempre naman! Si Betty nga kinukwento ko sa iba kong friends."

"Ikaw naman 'yon. Iba naman din si Kiko," palusot niya.

Nagkibit-balikat ako.

Pagbalik namin sa puwesto namin, nandoon na si Betty kasama si Kiko. Inabutan ako ni Betty ng tubig at si Kiko naman si Aaron.

"Tagal niyo naman," humalukipkip si Betty. "Maghahating gabi na. Baka hinahanap ka na ni Tito."

"Ay oo nga pala. Okay lang ba kayo dito?"

"Oo naman," sagot ni Laurence. "May bukas pa naman e."

"Sige," sabi ko. "Mauna na ako sa inyo."

"Hatid na kita," biglang sabi ni Aaron.

"Uhm... sige."

"Okay," ngumiti si Aaron.

Hinatid ako ni Aaron pabalik ng bahay. Naglakad lang kami.

"So? Anong grade ka na pala?" He asked suddenly.

"Grade 12,"

"Grade 12 ka na?" Tumango ako. "'Di halata ah?"

"Hoy ang sama mo!"

Tumawa siya, nang-aasar. "Ang liit mo kasi pero 'yong mukha mo naman parang 23 na."

My jaw dropped. I got speechless.

"Excuse me? Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. Natatawa nalang ako. "18 pa ako!"

"Weh? Ano ka ba? 2001?"

"Grabe ang sama mo sa'kin, Aaron. 2002!"

Humalakhak siya. Bigla akong napaisip sa itsura ko. Kung mukhang matanda ba talaga ako.

"Yeah," Aaron chuckled. "You look 23 though."

"Wow english," I teased. "Bakit ikaw? Mas mukha kang matanda. Mga... 25?"

"Weh? Seryoso ba 'yan?"

"Bakit? Hindi ba?"

"I'm 26,"

My lips parted and I blinked twice. Talaga?! 26 na siya?!

"Weh? 'Di nga?"

"Oo nga!" Humalakhak siya. "'Di halata, 'no?"

"Seryoso ka talaga? Mabaog sinungaling?"

"Aray ko naman. Grabe ka naman sa'kin, Natasha."

Tinawanan ko siya.

"Pero seryoso. 26 na ako," he said.

"Sige. Sabi mo... kuya,"

He feigned a hurt by squeezing his chest. Umani siya ng tawa mula sa akin.

"Sige na. Dito nalang ako," sabi ko pagkarating namin sa tapat ng bahay. "Hating gabi na. Ingat kayo pauwi."

"Salamat. Nice to meet you, Natasha."

"Nice to meet you too, kuya," biro ko sabay ngisi na nang-aasar.

"Osiya. Pahinga ka na. Bukas ulit?"

"Opo," I agreed.

"Huwag mo na akong tawaging kuya at 'wag ka na mag-opo. Nakakatanda," reklamo niya.

"E ano ba dapat, kuya? Este pfft-"

"Aaron," he paused. "Isipin mo nalang na magkaedad lang tayo."

I mocked at him and grinned sheepishly.

"Sige... Aaron."

"'Yan!" Tumawa siya. "Marunong ka pala sumunod. Sige sige. Pasok ka na."

"Sige," I smiled at him.

Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay. I found myself smiling. Ayos din naman pala siya.

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon