Chapter 16

69.2K 2.5K 221
                                    

Chapter 16: Ate Van

SUE's POV:

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Vaughn. Kinakabahan ako at nahihiya huhuhu

"Von, wag nalang kaya? Sa bahay nalang ako magpapalit. N-nakakahiya kasi."

"Uuwi tayo ng naka robe ka lang at walang kapanloob-loob?? Tss. Nah. Let's go." Nakarating kami sa sala at naabutan namin roon na nag tatawanan at nag kwekwentuhan sila mommy Venice, daddy Martin, lola, sila Velle at Vall at ang mommy nila na si ate Van.

Nang huminto kami roon ay humigpit pa lalo ang hawak ko at sumiksik sa likod niya. Naramdaman kong may humawak sa kanang kamay ko. Bumaba ang tingin ko dahil si Velle lang pala iyon.

"Hi tita Sue!" masigla niyang bati. Ngumiti naman ako. Pero narito parin ako sa likuran ni Von.

"H-hi Velle..."

"Tita Sue laro po uli tayo.." sabi pa ni Vall. Binitawan ko ang kamay ni Von at inabot kay Vall na masaya naman nitong tinaggap.

"Gusto makipaglaro ni tita kaso hindi pwede lalo na at ganto lang suot ni tita." nakasimangot kong ani.

"Ganon po?" Nakasimangot din nilang sabi.

"Hon. Come with my sister. She'll give you a dress." napalingon naman ako kay Von habang hawak padin ng mga bata ang kamay ko.

"Tita Sue, ang lambot po ng kamay niyo hihihi, " nakangiting sabi ni Velle habang dinuduyan ang kamay ko na hawak niya.

"Ikaw rin Velle," nakangiti ko namang tugon.

"Enough na Velle and Vall dahil hihiramin ko muna ang tita Sue niyo." mataray na ani ng ate ni Von sa mga anak niya.

"Sama nalang po kami mommy. Gusto ko po kasing hawakan kamay ni Tita Sue." sabi ni Vall napangiti naman ako. Ang sweet naman ni Vall. (p.s. lalaki po si Vall at babae si Velle)

"Ako din po mommy."

"Oh sya, payagan mo na apo. Isama mo na ang dalawa." komento naman ni Lola.

"Let's go na Sue." nakangiting aniya ate Van na kinindatan pa ako. Ngumiti naman ako ng pilit dahil nahihiya padin ako sa kaniya. Nagsimula na kaming maglakad nang may humila sa kabilang kamay ni Vall. Kaya kahit ako napahinto, ganon din si Velle na hawak ako sa kabilang kamay.

"You're not coming with them, Vall." madiing utos nya.

"Uy, Von. Tinatakot mo yung bata." sinamaan niya ako ng tingin kaya napatungo ako.

"Baby Vall, stay here with tito for a while. Hindi ka sasama samin dahil hindi ka babae. Boys are not allowed to come with us." ate Van.

Nakasimangot namang binitawan ni Vall ang kamay ko. Pumunta kaming tatlo nila Ate Van sa kwarto niya.

At namangha na naman ako dahil ang ganda ng kwarto niya.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon