Chapter 40

49.3K 1.9K 109
                                    

Chapter 40

THIRD PERSON's POV:

Susubuan na sana ng dalaga si Sue nang makarinig sila ng malakas na putok sa labas. Nagkatinginan sila at natakot sa narinig.

"A-ano kayang nangyayare sa labas?"

"Abay m-malay ko. W-wala naman ako sa labas ." nauutal naman na tugon ng dalaga. Napaisip sila at naalala ang kanilang asawa.

"Hindi kaya sila Von na iyon?"

"S-si Ai­--KYAAAAAA!" muling napasigaw ang dalaga at biglang napayakap kay Sue nang makarinig sila uli ng malakas na putok mula sa labas.

"Kalagan mo na po ako rito. Muka kasing nagkakaguluhan na sila roon sa labas," wika ni Sue. Tumango naman ang dalaga at agad na kinalagan si Sue.

Nang makalagan na niya ay tumayo sila ng maayos at nagkatinginan. "Tara!" aniya ni Sue na iwinaksi pa ang kaniyang kamay. Tumango naman muli ang dalaga at sumunod kay Sue. Pero napahinto nang may mapagtanto.

"Sinasabi mo bang lalabas tayo doon kung saan nagkakaguluhan at nagpuputukan ng baril??" arko ang kilay niyang tanong kay Sue na nakangusong tumango tango. "Ano?! Seryoso ka? No way! Wala tayong kahit ano para ipagtanggol ang sarili natin 'no. Ayoko pang mamatay miss. Kaya NO."

"Hehehe alam ko na yan. Kaso kailangan na nating makatakas bago pa bumalik si Lorcan. Mas patay tayo pag nangyari yun." Wika naman ni Sue kaya napa isip ang dalagang kasama niya at mukang tama siya sa kaniyang mga sinabi.

"Pero paano kung mapahamak naman tayo sa labas?" kinakabahan paring tanong niya kay Sue.

"hmm." Inilibot niya ang paningin sa buong silid at may nakita naman siyang isang bakal na nasa pinakasulok ng silid. Kinuha niya ito at ipinakita sa kasam. "Gagamitin natin ito. Hihihi! Tara na," masiglang aniya. Wala namang ibang magagawa ang dalaga dahil kailangan na nga talaga nilang makatakas.

Nag aalangin siyang tumango at sinubukang buksan ang pinto ang kaso ay hindi niya ito mabuksan. "N-naka lock." Sinenyasan naman siya ni Sue na lumayo sa pintuan na agad naman niyang sinunod dahil alam na niya kung anong balak niyang gawin.

Huminga ng malalim si Sue bago itinaas ang kaniyang braso't kamay na hawak ang bakal. Bumwelo muna siya bago, "Ya!!!" buong lakas niyang hinampas ng bakal ang seradora ng pintuan. "Ayan! Try mo kung bubukas na hehehe"

Tumango naman ang dalaga at sinubukang buksan ang pinto na bumukas naman. Huminga siya ng malalim at kinakabahan na humakbang nang mapahinto siya dahil naramdaman niya ang paghawak ni Sue sa kaniyang kamay. Nginitian siya ni Sue, "Huwag kang mag alala, kasama moa ko." Aniya na nakapagpagaan ng loob niya kaya tumango siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Sue.

"Thank you."

"Hihihi tara na"

_

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon