Chapter 3

86.1K 3.2K 455
                                    

Chapter 3: Lollipop

SUE'S POV:

*sigh*



Sa paglalaba ang bagsak ko. Pero.... ayos na din yun kesa naman sa ikulong ako sa basement hahaha.




Ano ba yan... ngayon pa ako nawalan ng lollipop. Huhuhu.




"meow" huh?


Waaaah! Si kiki! Ang cute kong doreamon hehehe. Nagpunas ako ng kamay kong basa atsaka siya binuhat para kandungin.




Hinaplos ko ang ulo niyang napakalambot. Dahil rito gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Regalo siya ni papa saakin nung araw na ipinanganak ako, yun ang sabi ni mama saakin. Syempre naniniwala naman ako Hehehe.




Kaso hindi ko alam kung nasan nga ba ang papa ko. Sabi kasi ni mama nagtrabaho daw siya sa ibang bansa para saamin. Pero bakit ngayon wala man lang akong balita sakanya. Ni hindi siya nagpapadala saamin noon. Kahit ngayon. Ni piso manlang pambili ng lollipop. Huhuhu




"Ahy hala! Naku kailangan ko na pala itong tapusin. Anong oras na ba?" Napalingon ako sa may bintana na nasa tapat ko lang at dinungaw mula roon ang orasan sa loob.





"Ahy hala! 11 na pala ng gabi. Naku..." Kaya naman ay binilisan ko na ang paglalaba para matapos agad. Hindi pa naman ako pwedeng malate bukas dahil exam.




Hindi ako makakatulog nito dahil kailangan kong mag review ╥﹏╥.




Pero ayos lang sanay naman na akong napupuyat.

-

"SUE!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Nakangiti naman akong kumaway sakaniya.





Binilisan niya ang takbo hanggang sa makasabay na sa paglalakad ko papuntang classroom.





"Ano? Nakapagreview ka ba?" tanong niya. Tch. Ako pa!




"Oo naman hihihi. Uy, may lollipop ka diyan?"





"Tch. Syempre! Alam ko namang yan agad agad hihingin mo saakin. Oh!" Sabay bigay saakin. Napangiti naman ako ng sobrang sweet.





"Yay! The best ka talaga bess. Arigato(thanks) Akari."




"You're welcome, basta ikaw. Tara na baka malate pa tayo." Tumango naman ako tsaka nagsimula nang maglakad kasabay niya.


-

(12:00pm)




"Sorry Sue kung di kita masasamahan ngayon ha. May pupuntahan din kasi kami ng parents ko." Ngumiti naman ako. Halfday lang kasi kami ngayon. Kaya eto nasa bus stop na naman ako.




"Sus! Ok lang yun bes. Basta bukas may isang pack na ako ng lollipop ha? Hehehe "



"Oo, promise kahit dalawa pa bilhin ko. Sorry talaga."





"Sige na Akari, hinihintay ka na ng parents mo oh." Napalingon naman kami sa kotseng huminto sa harapan namin. Bumukas yung bintana at si mama ni Akari ang nakadungaw.






"Hi po tita." Masaya kong bati tsaka nag bow pa.





"Hello din Sue. Ano? Tapos na ba kayo mag chikahan? Hahaha." Natawa din ako. Hayy kahit kailan talaga mapagbiro itong si tita. Hihihi.




"Ba-bye Sue." Nakangiti naman akong tumango at kumaway sa kaniya na papasok na ng kotse nila.





Nang makaalis na sila ay naiwan naman ako rito mag isa sa bus stop. Pero marami pari ang mga estudyanteng kagaya kong pakalat kalat rito. Mga galaers hahaha. Di gaya ko good girl. Kaya tatambay nalang uli rito sa bus stop habang may subong lollipop.




Nakakainis kasi wala na akong load. Wala naman ako sa mood magbasa ngayon ng wattpad. Kaya magbibilang nalang ako ng mga sasakyang dumadaan.


"1"

"2"

"3"

"4-- eh?" napakunot noo ako nang huminto yung kotseng pang apat na nabilang ko sa harapan ko.




Tinted ito. Ang cool nga kasi ang ganda. Dahan dahang bumaba ang bintana ng kotse. Naningkit ang mata ko at hinintay na makita ang kung sino na nasa loob.





"Hi ma'am Sue!!" napaigtad ako sa gulat nang sumigaw si kuya Hunter mula sa loob.





Teka... kuya Hunter?




"HUNTER!" masaya akong tumayo mula sa pagkaka upo at lumapit sa kotse sa tapat ng bintana. "Hi Hunter!" Bati ko na kumaway pa mula sa labas.




Napakaway din ako kay kuya Clinton na siyang nasa driver seat. "HI CLINT--" napahinto ako at dahan dahang yumuko.




Y-yung lollipop ko nahulog....




*sniff*


"Ma'am Sue?"




*sniff* "Y-yung lollipop ko..... nahulog."




*sniff*"huhuhu.... yung lollipop ko.╥﹏╥"




THIRD PERSON'S POV:



Nataranta naman ang binatang si Hunter nang magsimulang umiyak ang dalaga na nasa labas habang nakayuko at umiiyak na pinagmamasadan ang lollipop na nahulog.





"N-naku wag kang umiyak ma'am Sue! Ma'am--- Clinton tulungan mo nga ako rito. Umiiyak si Ma'am Sue."




"Tsk."




"Hoy Clinton. Dadalhin natin siya kay boss, baka i-salvage tayo nun pag dinala natin sakaniya nang umiiyak si MA'AM SUE. TANGINA!"



----itutuloy

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon