Chapter 20

63.9K 2.9K 631
                                    

Chapter 20: Goodbye Kiss

SUE's POV:

Nilingon ko si Hunter upang samaan sana ng tingin pero, ayun! Palabas na siya ng office. Aba! Tatakasan pa ako ah!

Inilabas ko mula sa bulsa ng uniform ko yung natitirang lollipop ko tsaka ibinato sa kaniya. Sapul!


"Ack!!"

"Headshot! Hihihi," nilingon ko si Von na naka arko padin yung noo niya. Pero yung tingin, nagtatanong kung pano ko yun ginawa. Napanguso ako, "Eh, sya kasi eh! Waaaaah! Huhuhuhu sorry na Von. Hindi naman talaga kinginawaaah! Sorry na uli huhuhu" tsaka ako umakap sakaniya dahil mukhang galit na talaga.


"Sorry na Von..." Naramdaman ko naman na gumanti siya ng yakap. "Bati na tayo Von ah. Sorry na."

Narinig kong nagmura si Hunter kaya naman humiwalay muna ako sa pagkakayakap ni Von at nilingon si Hunter.


"Putcha, nagkapasa ako dun ah! Ang sakit!"


"Wife?" napatungo naman ako sa hiya. Hala, masakit ba yun? Huhuhu dapat pala di ko nalang siya binato eh.


Pero kasalanan nya naman din eh! Kung di lang nya ginalit si Von, hindi ko naman siya babatuhin eh huhuhu.


"Sue." napaangat naman ako ng tingin sakaniya.


"Bakit?" nakangusong tanong ko. "Sorry na..." pakiusap ko na dinuduyan ang kamay niyang hawak ko.


"How did you do that?" tanong niya. Ang alin?


"Ang alin Von?"


"The way you perfectly throw the lollipop to Hunter, Sue." ngayon naman si Clinton ang nagtanong. Si Hunter, ayun, may hawak nang ice pack na inilalapat niya sa kaniyang noo. Huhuhu ang bad ko talaga╥﹏╥


Paano ko daw ginagawa yun? "Edi ibinato ko yung lollipop."


"Paano ka naman natutong umasinta ng ganon kadali?" tanong uli ni Von. Ano ngayon kung marunong akong umasinta?




Dati naman na akong marunong. Ako pa nga palaging panalo sa twing naglalaro kami noon nila Kenneth, kuya Sam, Akari at Navy ng tumbang preso eh. Hihihi asintado kasi ako.


"Tinuruan ako noon ni nanay para matalo ko sa tumbang preso sila Navy. " taas noo kong sagot. Si nanay kasi bago siya  mawala marami siyang itinuro sa akin.



"Tinuruan ka?" tanong uli ni Clinton. Nakangiti naman akong tumango tango.


Pero naalala ko, "Ay hala! May dance practice pa nga pala kami! Waaaah! 1:40 pm na?! Waaaah male-late na ako!" dali dali naman akong tumayo at inayos ang mga gamit ko.


Hindi pa ako nakakauwi. "Ano bayan. Di tuloy ako nakapag palit at nakakuha ng extra tshirt sa bahay. Babye na muna Von ah. May practice pa ako. Hehehe babye!" Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Von.



Taka ko siyang nilingon. "Bakit Von?" Tanong ko.


"Ihahatid na kita. At bibilhan ng extra t-shirts mo."


The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon