Chapter 37

49.6K 2K 173
                                    

Chapter 37

Nung bata ako tinuruan ako ng nanay ng martial arts. Hindi ko nga alam kung bakit. Pero ang palagi niyanh isinasagot ay

"Upang maipagtanggol mo ang iyong sarili kapag ikaw ay napahamak."

"Pero nay, nanjan naman po kayo at ni kuya Max para ipagtanggol ako hindi po ba? Hihihi."

Mapait na ngumiti siya, "Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo kami, Minmin. May panahon na iiwan kita at may panahon na kailangan ding umalis ng iyong pinsan," makahulugang wika niya na hindi ko naintindihan nung panahong iyon dahil musmus pa lamang ako.

Kaya ang palagi ko namang sagot ay, "Opo! Naiintindihan ko po kayo inay. Maaari na po tayo uling magsimula hihihi."

Minsan umaalis si inay lalo na sa araw ng biyernes. Tinatanong ko kung saan siya pumupunta pero ngumingiti lang siya at hinahaplos lang ang aking buhok. Umaalis siya pagkatapos ay pagbalik pagod na pagod. Lalo na ang kaniyang paa na tila tumayo lang ang ginawa niya buong maghapon.

Naaawa ako kay inay. Kung saan man siya pumaparoon noon ay gusto kong malaman pero hindi ko magawa.

Hanggang sa dumating ang araw.... kung kailan ay iiwan na niya ako.

"Nak, hindi ko gustong iwan ka pero..."

Pinilit ko ang ngumiti at wag ipakita kay inay ang kalungkutang nararamdaman ko, "Inay ayos lang. Naiintindihan ko." pinunasan ko ang aking mukha na basa na ng luha. Hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang palad.

"Inay kung hindi niyo po kaya ayos lang. A-ayos lang nay..." umiiyak na aking sambit. Sa bawat salitang sinasabi ko lahat ay kasinungalingan dahil.... hindi ko naman talagang kayang iwan ako ni nanay. Pero hindi ko pwedeng ipilit ang gusto ko dahil mas lalo lang mahihirapan si inay.

"Nay ayos lang.... *sniff* A-alam kong pagod na pagod na po kayo. Magpahinga ka na po,"

Dahan dahan niyang itinaas ang kaniyang kamay at inabot ang aking pisngi kaya lumapit ako.

"M-mahal kita a-anak..." yumuko ako at ipinaglapat ang aming mga noo. Pumukit ako at pinakinggan ang malalim at tila nahihirapan na kaniyang paghinga. Nasa ganoong posisyon kami hanggang sa.... sa mawalan na siya ng buhay. Bumagsak ang kaniyang palad tanda ng kaniyang pagkamatay.

Wala akong nagawa kundi ang tabihan siya at umiyak ng umiyak, "Mahal din kita inay,"

Napakasakit, sobra. Pero wala akong nagawa kundi ang tanggapin nalang ang katotohanang hanggang doon na lamang. Noong panahon na iyon sinisi ko ang aking ama. Bakit wala siya noong panahong kailangan namin siya? Noong kailangan siya ni inay sa tabi niya. Makasarili siya. Hindi na ba niya kami mahal? Kahit sana ang magpadala siya ng tulong sa pagpapalibing kay inay ay wala man lang akong natanggap mula sa kaniya.

Sinubukan ko rin ang puntahan ang pinupuntahan ni inay nung nabubuhay pa siya. Nalaman ko kay Akari kung saan dahil minsan na niya daw itong sinundan. Salamat sa kaniya.

Pero nang alamin ko kung sino ang nakatira doon sinabi ng guard na pamilyang Perez daw ang naroon. Sinubukan ko ang makapasok sa loob pero hindi ko magawa dahil bantay sarado ng mga gwardya.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon