Chapter 63

38.1K 1.4K 153
                                    

Chapter 63

Akari's point of view:

Papunta kami ng sala na si Lorcan at Max ang nangunguna sa paglalakad dahil silang dalawa lang naman ang pamilyar sa lugar na ito.

Nadatnan namin ang ilang kilalang mga lalake na nakaupo na malaking sopa. Tsk. Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya pala pamilyar samin ni Sue yung kotse sa labas. Pagmamay ari ni Clinton.

“Sup! ” sigaw ni Kenneth.

Napalingon saamin ang lahat.

“Where's Sue? ” tanong agad ni mr. Vaughn.

Sasagot na sana ako nang makita kong pababa din ng hagdan si Sue na napahinto sa gitna nang makita kaming lahat dito sa sala.

“Von? ” agad na tumayo sa kinauupuan si Vaughn at pinuntahan agad si Sue na may pag aalalang tingin.

“Are you okay? How about Eren? Is he awake? ”

“Nandito ka? K-kayo... ” tukoy niya sa mga kasama nito na sila Clinton. Kahit ako nagulat nang makita ang mga ito kahit na nagduda ako kanina sa kotseng nakaparada sa labas. Hindi ko inaasahan na kay Clinton nga talaga ang kotseng yun.

“Ah yes.”

Hinawakan ni Sue ang pisngi ni sir Vaughn at tiningnan siya ng may pag aalala. Para tuloy kaming nanonood ng live na romantic movie. -,-

“Ikaw Von? Okay ka lang? Pagod ka ba? Natutulog si Eren at medyo nakaramdam ako ng gutom kaya iniwan ko muna siya.”

Gaya ng sinabi niya, pati ako nakakaramdam din ng gutom.

“Reese, samahan mo ako sa kusina. Gusto kong lutuan ng lugaw si Eren. ” tumango naman si Reese.

“Masusunod. Maghahanda na rin ako ng hapunan para sa lahat. ”

“Sasama ako! T-tutulong ako.” I volunteer. Naglakad ako palapit sa pababang mag asawa at umangkla sa kanang braso ni Sue.

“Me too! ” lumapit din si Navi at umangkla rin sa kabilang braso ni Sue.

Nagtaas ng kamay si Kenneth, “Oh right. I need to tell you something, couz. So... I'll come too. ”

“I hove something to discuss with grandpa so I'll take my leave for now. Reese call me if dinner is ready. ” si Max na naglakad paakyat ng hagdan.

Tumango si Reese, “Yes, sir. ”

Pagkatapos nun ay umalis na kami at iniwan sa sala sila Sir Vaughn. Pasimple kong nilingon si Clinton at agad akong napaiwas ng tingin nang mahuli ko siyang nakatingin din pala saakin.

*BLUSHHH*

***

Third person's pov

Abalang nagi-scroll sa sariling cellphone ang binatang si Lorcan nang maramdaman niya ang tingin sa kaniya ng mga kasama niyang naiwan sa sala. Inangat niya ang tingin niya at nakita niyang sa kaniya nakatuon ang atensyon ng lahat na parang hinihintay siyang unang magsalita. Ayaw niya talagang mapansin dahil awkward daw ngayong kasama niya yung dati niyang barkada.

Magkakaibigan na sila bago pa maging president sa kompanya si Vaughn. Umalis lang siya matapos mamatay ang isa sa pinakamatalik na kaibigan niya.

“What? ” tanong niya na binasag ang katahimikan.

“Wala ka ba talagang balak na sabihin saamin ang totoo? ” balik tanong naman sa kaniya ni Finn kaya napakunot ng noo si Lorcan.

Anong totoo? “Huh? ”

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon