Chapter 42

45K 2K 132
                                    

Chapter 42

SUE's POV:

Habang pinapanood ko ang sandaling pangyayari na nangyari noong lumipas na walong taon ay mas nalibang pero naboboring na ako. Hayyy... kailan ba matatapos ito? Hmp!

>>__<<

Teka.... (O_o) ito yung araw kung kailan pumunta ako sa mansyon na 'yon ah?

Nilingon ko ang tinitingnan ng batang ako. Siya yung batang lalake, na tinatawag ng matanda na Tonton’. Ewan, pero sobrang pamilyar siya saakin. Lalo na yung mga mata niya.

O__O

Halos mapaigtad ako sa gulat nang lumingon siya sa direksyon ko. SA MISMONG DIRKESYON KO TALAGA! Ako ba? O baka may ibang tao lang sa likod ko? Lumingon ako sa likod pero wala naman akong ibang nakita kaya ibinalik ko rin agad ang tingin sa bata ngunit paakyat na siya ng hagdan. Weird...

“She looks like mother...” ibinaling ko ang tingin ko sa may bintana. Yung Tonton, nakadungaw siya sa bintana at mukhang may sinisilip mula sa labas. Kaya naman lumapit ako at sumilip rin. At, hala! Nakatingin yung bata saamin! Wait.... so itong Tonton nga talaga ang nakita ko noon? Phew! Akala ko multo yung nakita ko noon sa bintana. Siya lang pala. *SIGH* Natakot ako roon ah.

“She looks like mother. What do you think?” hm? Sino nga pala kausap nitong batang ito?

Inilibot ko ang tingin sa buong silid pero wala namang ibang tao kundi kaming dalawa lang. O__O Hindi kaya... “Bata, nakikita mo ako? Ako ba kinakausap mo?” tanong ko habang nakaturo saaking sarili. At halos mapahakbang ako paatras at nanlaki ang aking mga mata nang dahan dahan siyang lumingons sakin

“She looks like mother. What do you think?” nakangiting wika niya habang nakatingin ng diretso saakin.

A-... Ang creepy!!!! Kyaaaah!

“H-huh? Ano... aba di ko alam! Tsaka! Di mo dapat ako nakikita bata. Multo ako. Like—awoooo! Matakot ka. Dahil kakainin kita awooo!” pero hindi siya nagbago at nakatingin parin saakin. Ano bang problema nitong batang ito? “Di ka takot? Sige ka. Mamaya magtatago ako sa ilalim ng bed mo tapos hihilahin ko paa—”

“Wake up.” huh?

“W-wake up? Anong ibi—”

Sumeryoso ang mukha niya, “Sister, you should wake up now. You need to wake up.”

“Wake up Min” napalingon ako sa nagsalitang iyon. Hala! May extra pa pala? Grabe naman. Ikwekwento ko talaga ito kay Von. Hihihi

Lumapit siya saakin at hinawakan ang kaliwa kong kamay,“Wake up...” nakikiusap niyang sabi.

Siya yung batang tinuruan ko magbisekleta. Hmp! Ang hirap kaya turuan itong batang ito. Halos umabot ng isang linggo bago matuto. Tsk. Tsk. Tsk.

“Wake up, Jasmin Sue. Wake up,” si Tonton naman na hinawakan ang kanang kamay ko. “Wake up...”

“Dre! Dre, tanong ko lang—”

“Shut up, Rhys Hunter Gomez.”

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon