Chapter 10

19 4 0
                                    

"Sorry talaga! Huhuhu."

Ryan kept on crying and clinging to me habang nag-uusap kami sa kama ko. Yes, it's Friday evening and she's here to sleep over at my house. Pambawi niya raw sa isang linggo na hindi niya ako nakasama.

It turned out to be a miscommunication. She thought Shin and I were really dating dahil nga sa pagpunta namin sa MOA. Then bigla ko na lang in-announce na may date kami ni Dylan sa E.K. the next day. She misunderstood my story kasi.

"Nakakaasar lang kasi 'yung nagde-date kayo ni Shin tapos papayag kang makipagdate doon sa Dylan na 'yon. Ano ka, two-timer?" I remember her saying.

But in the end, naayos din naman namin 'yung naging conflict namin. Na-explain ko naman na and she understood the situation na, thankfully. Though I'm still curious kung san niya nakuha na Shin and I were an item. But yeah, I'm used to people thinking like that.

"What hurt me the most was when I heard you two talking about me. Saya-saya niyo pa, tapos ako alone lang ang peg sa buhay. 'Yun kaya 'yung edge ko. Hmp!" I rolled my eyes jokingly.

Napakamot siya ng ulo at tila nag-iisip kaya nanliit ang mata ko. "Actually, we are really talking about you. Tinanong kasi ni Shin sa akin kung nakapagsabi ka ba ng problema sa akin na hindi niya sinasabi sa kanya. I kind of teased him kasi nagseselos siya sa akin." she laughed.

"Seloso naman nun." I muttered. "He should understand that there are some problems na mas kumportable akong i-open sa girls, 'no! What if it's about a girl thing, diba?"

Napaisip naman siya. "May point, but you should also understand him. Lumaki kayong mag-bestfriends, dapat comfortable kang mag-open dun even with the most ridiculous problems."

"Oh siya, I'll never open up to you again. Kay Shin na lang ako lagi. Gusto mo 'yon?" pang-aasar ko.

Hinampas niya ako ng mahina. "Hindi naman ganun ang sinusuggest ko! Pero I'm sure may mga problems kang hindi masabi sa akin, pwede mo namang sabihin kay Shin. Alam mo naman ako, busy."

"Busy saan nga ba?' I teased her. I made a dismissing gesture and grimaced. "Eh, basta, hayaan mo 'yun! Bahala siya sa buhay niya. He's busy with his studies, anways. Edi wow, sana all."

"Ouch, you're backstabbing me, Ploy."

Napataas ang kilay ko habang nakatingin pa rin kay Ryan. All I know is I'm sure that Shin is here, or who knows, it could be a hologram but nah, that's impossible.

"Who gave you the right to trespass into my room?" nakangiwi kong tanong sa kaibigan kong nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.  He's wearing a rugged attire na akala mo galing sa galaan.

He just shrugged at nakiupo sa kama ko. Feeling niya welcome siya . "I gave myself the right, bakit, aangal ka?" he said proudly. "By the way, welcome back."

"Welcome back?" lumagpas na yata sa noo ko ang kilay ko sa sobrang pagtaas nito. "I should be the one welcoming you back in my house after not being able to visit for a week!"

"Kung alam mo lang." Ryan muttered while watching me and Shin. Hindi ko narinig kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Bumaba lang siya sa first floor ng kwarto ko. "Wala, wala. Sige, magtitimpla lang ako ng pinapagawa mong iced coffee."

Shin raised his hand. "Make one for me, too."

"Luh, asa ka." siniringan lang siya ni Ryan.

She got off my bed and went out the door, leaving me and Shin. Nagkatitigan lang kami at parehas na tumawa. I was laughing at how Ryan dismissed him but I don't know what exactly he is laughing about.

Into the SpotlightWhere stories live. Discover now