Chapter 1

57 6 0
                                    

"Hoy King, ina mo!"

I handed the ringing phone to Shin. Tumatawag nga kasi talaga 'yung nanay niya na si Tita Yeyel. Heto namang si Shin ay patuloy pa rin sa pakikipagtawanan kasama sina Chris at iba pa naming kaibigan kaya hindi napansin na nagri-ring 'yung cellphone niya.

Kung hindi ko pa siya binatukan, hindi niya ako papansinin! Hinayupak na 'to.

"Ah— ow! What the heck is your problem, Ploy? Earlier, you were cursing me. Now you're hitting me!" inis niyang hinimas ang likuran ng ulo niya habang nagrereklamo sa akin.

Pinitik ko 'yung noo niya atsaka inilahad ang phone sa harap niya. I intentionally showed him the caller's ID. "Hindi ako nagmumura, ang sabi ko.. King... ina... mo... 'Yung ina mo tumatawag, si tita Yeyel tumatawag! Boplaks!"

"Ow! Do you have a knack in hurting me?!" Imbis na sagutin niya ang tawag ng nanay niya ay inuna niya talagang makipagbarahan sa akin.

"Mapanakit pala ang lola niyo!" maarteng sambit ng bakla kong kaibigan na si Earl.

Humagikgik naman si Jian habang iniikot-ikot sa daliri ang dulo ng buhok. "Hay nako, kung alam niyo lang! Ang dami kayang nagbibigay dyan ng flowers nung high school. Alam kasi ng buong campus na mahilig siya sa roses."

"Sa kasamaang palad, nire-reject niya lahat 'yon! Sayang nga, eh. Kaya minsan, pinipilit namin siyang kuhanin tapos ibigay na lang samin. Si Nate naman ang kumakain ng chocolates." tumatango-tangong hirit ni Ryan.

Kinurot ni Earl ang tagiliran ko. "Baklang 'to! Naketch, kung kasama niyo lang akes nung high school ay baka maagang lumanjot ang lola niyo! Influencer ako, bhie!"

"As if papayagan 'yan ni Nate, HAHAHAHAHAHA!" humagalpak ng tawa si Chris.

"Ay, protective si beshycakes? Jowa ka?"

Hindi na lang ako nagreklamo kasi totoo naman 'yon at mukhang wala naman akong magagawa since ipinanganak na madaldal itong si Ryan at Jian. Sabunutan ko 'tong mga 'to eh.

Imbes na magreklamo ay mas ipinilit ko na lang na iabot kay Shin ang cellphone na kanina pa talaga nagri-ring. Kawawa naman si tita, kanina pa naghihintay pero hetong anak niya 'di pa rin nasasagot ang tawag niya.

Hah, I guess someone's gonna have a generous amount of sermon later.

Halos ihampas ko na talaga kay Shin 'yung phone nung tumigil sa pagring habang panay naman ang ilag niya. "Ayan, buang! Namatay na 'yung tawag nang hindi mo nasasagot. Lagot ka na naman kay tita Yeyel!"

"Eh, what am I going to do?" Natatarantang tanong niya.

Napapikit ako sa inis. Nakakapag-isip pa ba ng maayos 'tong taong 'to? 'Di naman siya lasing so imposibleng sabog siya. "Sira ka ba? Edi tawagan mo!"

"Wala na akong load.."

Halos lahat kami napasampal sa kanya-kanyang mga noo dahil sa sinabi ni Shin. Ako naman ay halos masubunutan ko siya. "Ikaw naman kasi, inaabot ko na't lahat, ayaw mo pa rin sagutin! Bahala ka sa buhay mo, mapagalitan ka sana ni tita!"

"Yes, I know it's my fault! Don't shove it down my throat, alright? Mom's already gonna scold me later, don't be O.A." Bubulong-bulong na reklamo ni Shin.

Sinundot naman siya sa tagiliran ni Earl. "Uyy, under sa best friend si Nate! Yieee! Sa best friend pa nga lang, under na. Sa jowa pa kaya?"

"Girlfriend, not jowa." Pagtatama niya kay Earl. " When I enter a relationship, I want it to be serious. I want someone I can call my girlfriend."

Lahat sila ay napa-'o' ang bibig habang ako naman ay pataas-taas lang ng kilay at nang-aasar. Seryosong-seryoso ang mukha niya habang isa-isa kaming pinapasadahan ng tingin, feel na feel niya ang pagle-lecture kuno sa amin.

Into the SpotlightWhere stories live. Discover now