"Na sa garden ako noon. Alam ko naman kasi na pampamilya na pagtitipon lang yun."- sagot niya. Hmm. Sana nga at wala kang nilihim sa akin Knight.

"Ganoon ba? Okay."- sabi ko na lang.. Agad naman siyang ngumuso.

"Ang ikli mo paring magsalita ah."- sabi niya sa akin habang nakanguso. Hahaha...

"Tsk. Masanay ka na."- natatawang ani ko sa kanya.

"Ewan. Halika na sa loob?"- aya niya sa akin.

"Nahh. Mauna kana."

"Are you sure?"

"Yep."

"Okay"-. Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Tahimik na ulit ang paligid. Tanging panggabi na insekto na lang ang iyong maririnig.

"Mahal mo siya?"- bahagya pa akong nagulat ng may nagsalita sa aking likuran.

Si Blaze. Tiningnan ko lang siya. Hindi ko naman kasi alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Mahal mo na siya?"- ulit niyang tanong sa akin ng maupo siya sa iniwang pwesto ni Knight.

"Sino? Si Knight?"- tanong ko.

"Hmm."- tugon niya. Bahagya naman akong napatawa.

"Bakit?"- tanong niya.

"Wala. Tsk. Kitid ng utak mo. Bestfriend ko lang siya."- sagot ko.

Tumayo naman ako dahil hindi ko parin kayang makipag usap sa kanya na parang walang nangyayari na masama sa pagitan namin.

"Saan ka pupunta?"- tanong niya at tumayo na rin.

"Sa loob."- sagot ko at tinuro ko pa ang daan papasok sa dorm namin.

"Hmm! Ayaw mo talaga akong kausap no?"- may bahid na pait sa boses niya. Tss.. Sorry Blaze pero di ko pa talaga kayang pagkatiwalaan ka ulit.

"Hmm.. Di naman."- deny ko..

"Halata naman kasi, Cristel."- aniya. Napalunok ako ng lihim ng bigkasin niya ang pangalan ko. Shit! Maghunos dili ka Cristel baka umuwi ka na naman na luhaan.

"Bahala ka. Kung yan ang naisip mo."- sabi ko at iniwan siya.

Nakailang hakabang ako ng hapitin ni Blaze ang aking bewang at pinaharap ako sa kanya.

"A-anong-" . hindi ko na natapos ang aking sinabi ng siilin niya ako ng halik sa labi. Malumanay ang bawat galaw ng labi niya. Para bang sinasabi ng halik niya na nagsisi siya. Cristel! Wake up! Halik yan ni Hudas!!!

Agad ko siyang tinulak ng biglang nag register sa aking utak ang ginawa ni Blaze.

"How dare you!"- galit na sabi ko sa kanya at sinampal ko siya. Napahawak naman siya sa kanyang pisngi dahil sa lakas ng pag ka sampal ko sa kanya.

"Yeah? But i'm not going to say sorry to you. Because i love your lips. It's so soft and sweet."- aniya na nagpapainit sa aking pisngi.

"You're blushing, baby."- sabi pa nito at hinaplos ng bahagya ang aking pisngi.

"Bastos!"- gigil kong sabi sa kanya ngunit tinawanan lang niya ako.

"You're mine, Cristel. Good night."- sabi pa nito at hinalikan niya uli ako sa labi at iniwan na nakatunganga.. Gago ka Blaze!!!

Bwiset kahit anong gawin ko ay hindi parin ako makatulog. Shit ka Blaze!!! Walang hiya ka!! Sino ka ba parang umukupa sa aking isipan ha? Argh! Shit!

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora