Kabanata 24

42.8K 2.3K 1.4K
                                    

Kabanata 24

The last time I talked to him is in the terrace that night when I saw a shooting star. Ni hind inga malinaw sa akin kung pag-uusap nga ba iyon, he asked me if I had eaten and what I am feeling and that's it.

Sinabi ko sa kanyang ayos lang ako at bago pa man kami may mapag-usapang iba ay nagpaalam na akong matutulog na kanyang kaagad na pinagbigyan.

These days, we weren't seeing each other that much. Kinabukasan ay nagkaroon siya ng convention sa ibang bansa, tatlong araw lang naman daw, nalaman ko lang noong nag-text siya.

I didn't tell him to text me if he has something like that pero sa loob-loob ko ay masaya akong nag-message siya kahit papaano para ma-inform ako.

It's not like it's sad not having his presence around...I mean, okay. I kinda missed him.

Pagkabalik ko noon sa ospital pagkatapos ng emergency off ko para makapagpahinga ay naabutan ko si Dr. Sean sa station.

"Lia!" napaayos siya ng tayo nang makita ako kaya kaagad akong ngumiti at tumango.

"Hello, Doc. Magandang umaga po." I flashed a small smile.

"Good morning," he greeted then stared at my face. "Are you alright? Louis informed me about what happened."

"Uh, opo." I smiled brightly now para hindi siya mag-alala. "Medyo sumama lang po ang pakiramdam ko pero ayos na ako, Doc."

"Really?" I saw the obvious concern on his face, suminghap siya bago umayos ng tayo. "Let's go to cardio department and get you checked."

"P-po?" nanlaki pa ang mata ko at mabilis na umiling. "Naku, Doc, hindi na po...ayos lang ako."

"I insist, Dra." He said.

"Hindi na, Doc. Ayos naman po ako, nakapagpahinga po ako kaya—"

"You can't say no, Lia." Aniya at kumunot ang noo. "You have to get checked, hindi ako matatahimik habang hindi ako siguradong ayos ka lang."

"Pero po..." kinagat ko ang labi, nahihiya na. "Ayos lang, Doc. Hindi naman po kailangan—"

"Pusong makulit, tara dito..." biglang may kinawayan si Doc sa may likuran ko at napalingon ako at nakita si Heart na patapos lang ata ang shift sa night duty.

"Po?" she smiled, nang mapalingon siya at nakita ako ay lumaki ang ngiti niya.

"Hi, Lia! BFF ko! Good morning!" she cheered happily kaya napangiti ako, she hoped towards me and encircled her arms on my arms.

"Good morning din," I smiled at her.

"Ang pretty mo naman, sana all blooming! Haggard ko ata, ang toxic kagabi!" she explained and frowned kaya natawa ako at nahihiya man ay inangat ko ang kamay ko para ayusin ang buhok niya kasi medyo magulo.

"Hindi naman, maganda ka pa rin naman." I smiled and she giggled.

"I know pero gusto ko lang na batiin mo ako!" she smiled cheekily. "What are friends for, right?"

Natawa na ako, natawa rin si Doc Sean kaya napabaling kami sa kanya. I saw him staring at the both of us with amusement and suddenly spoke.

"Heart, kumbinsihin mo nga iyang kaibigan mong magpa-check-up." He started.

Heart's eyes widen, napabaling siya kaagad sa akin at nagtanong. "Masakit na naman? Are you okay? No'ng binisita kita kahapon sabi mo ayos ka na—"

"Ayos naman na talaga ako," I explained. "Si Doc kasi, sabi magpa-check-up ako."

"I'm worried, Lia. Oo, ayos ka pero hindi ako makakapante na gano'n lang. I believe in test results than that." He pointed out.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon