Matapos ang pag uusap namin ay binaba na rin niya ang tawag dahil babyahe pa daw siya papunta dito, ayaw ko mang magpasunod pero he insist kaya hindi na ako nagpumilit pa.

As I wait for him may mga ka co-workers ko naman ang dumadaan dahil papauwi na rin sila, binabati naman nila ako pag nakikita nila ako kaya I greet them back.

Nakita ko sila Gwen na papalabas at papunta sa direksiyon ko. Kasama niya sila Queeny at Helen.

"Uy Max hindi kapa ba uuwi?" tanong ni Queeny sakin pagkakita niya, at lumingon naman sa direksiyon ko ang dalawa.

"Ah hindi may hinihintay pa kasi ako, kayo ba uuwi na kayo?" balik tanong ko sa kanya.

Hindi pa man nakasagot si Queeny ay may nagsalita na sa likod ko.

"Max" boses ng lalaki.

Lumingon ako sa tumawag sa akin para ma komperma kong sina ang lalaki.

"Ced" ngiti kong bati rin sa kanya.

At tsaka ko lang namalayang may kasama ako dahil sa boses nilang parang kinikilig sa nakita.

"Girl baka gusto mo kaming ipakilala sa gwapong nasa harap mo" gamit ang malambing na boses. Wag na kayong magtanong pa kong sino yun dahil wala ng ibang kaparehas pa si Ashleyah.

"Ah Ced sila Helen, Queeny at Gwen pala ka co-workers ko, girls Cedrik nga pala"

"Hi girls nice to meet you all" ngiti niyang bati sa tatlo, ang tatlo naman ay parang bulating binudburan ng asin.

Aaminin kong gwapo talaga si Cedrik at malakas ang appeal sa mga babae, hindi na ako magtataka pa sa reaksiyon ng tatlo.

"Nice to meet you too gwapings, so ano mo pala tong kaibigan namin?" usisa ni Helen.

"I'm his suitor"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ced at ganon na rin ang tatlo pero hindi kapareha ko na gulat na gulat talaga, basi sa expresiyon nila ay expected na nilang nililigawan ako ni Cedrik.

"Girls alis na kami ha, may date pa kasi kami" paalam ni Cedrik sa kanila.

"Sure.sure." sabay sabay pa nilang sabi at binigyan nila ako ng malaking ngiti sa mukha kinindatan pa ako ni Gwen.

Pinagbuksan na ako ng pinto ni Cedrik at tsaka siya umikot sa kabila para mag drive. Wala kaming imik na dalawa nakita ko lang sa side ng mata ko na nililingon niya ako paminsan minsan kaya nagsalita na ako para burahin ang tahimik na hangin.

"Ced"

"Max"

Sabay pa kaming nagsalita.

"You speak first"

"Ikaw na mauna"

Sabay ulit kami kaya natawa nalang kaming dalawa sa naisip nang matapos kaming tumawa ay tumingin ako sa side niya.

"Ced yung sinabi mo kanina" hindi niya ako pinatapos ng pagsasalita ay nagsalita agad siya para unahan ako.

"Oo yun Max" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Pero kasi"

"Max hayaan mong ipakita at iparamdam ko sayo ang feelings ko. Una palang kitang makita sa elevator ay kumabog na ang dibdib ko hindi ko nga rin ma ipaliwanag kong bakit ko iyun na ramdaman sayo. Please Max wag mo muna akong bastidin ngayon, hindi ko pa nga naipaparamdam at napakita sayo binastid mo na agad ako. Hayaan mo muna akong gawin ang mga bagay gusto ko Max"

Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya, wala akong makuhang salita sa bibig ko. Gusto kong umangal pero hindi ko ma labas ang mga salitang dapat kong sabihin.

"Wag mo na munang isip yung sinabi ko Max, alam kong na bigla kita sa mga sinabi ko pasensya na"

"Ah okay lang" yan lang ang lumabas sa bibig ko.

Nang maka rating kami sa isang Japanes restaurant ay lumabas na kami pagkatapos niyang mag park. Binati naman kami ng mga staff nila at si Cedrik na ang nagsalita. Naka reserve na pala siya dito kanina.

Habang naghihintay sa order namin ay marami kaming napagkwentohan at madami rin akong nalaman sa kanya. Half Japanese pala siya kaya pala dito niya ako dinala, ang mama niya kasi ay Japanese at ang pap niya ay Pinoy pero dito naisipan ng parents niya na tumira. May kapatid din siyang babae pero nasa Japan dahil doon gusto ng kapatid niyang mag aral may lola naman daw tinitirhan ang kapatid niya.

Masaya kaming nag uusap dahil masaya rin siyang kasama, hindi na namin na pansin ang oras na gabi na pala kaya naisipan na naming umuwi. Hindi na sana ako sasabay pa sa kanya pero he insist kaya no choice ako kundi magpahatid na rin dahil gabi na rin naman.


-----

So sorry sa tagal ng update😟

Naisip ko rin na bigyan ng side si Black pero ipo focus ko muna kay Maxeen ang POV😊.

Enjoy reading guys😊 don't forget to leave a message if may gusto kayong suggestion/s😊

Keep updated mga ka readers😘

My Maniac CEO (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن