Chapter 29

2.8K 105 6
                                    

Max

I somehow feel better now dahil kasama ko si Clinton, masaya naman kaming nag lakad lakad kaya ng mapagod ay naupo na lamang kami sa may puno dito kitang kita ang mga batang nag lalaro may iba ding mag jowa, pamilya.

"Max" biglang tawag ni Clinton.

"Yeah?"

Nang sumagot naman ako ay di siya nagsalita kaya binalingan ko siya ngunit sa pag tingin ko sa kanya ay may nakita akong isang taong ayaw kong makita ngayon at sa sumusunod pang araw.

"Black" mahinang sabi ko sapat lang para marinig ni Clinton na nasa tabi ko kaya lumingon siya sa kanyang likod.

"Pre" sabi ni Clinton.

Nanlaki ang mata ko sa pagtawag niya kay Black at tumango pa si Black bilang pagbati rin. Hindi ako makapaniwala. Kaya ba alam ni Clinton? Kaya ba siya nagtanong kanina dahil sa una palang ay magkakilala sila? Pano?

"M-magkakilala kayo?" utal kong tanong sa kanilang dalawa at palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"M-max"

"Kaya ba tinanong mo ako kanina? Dahil magkakilala kayo?" hindi agad makasagot si Clinton sa sinabi ko at yumuko na lamang.

Tinanong ko siya ulit.

"Ikaw rin ba ang nagsabing nandito ako?" nang hindi parin siya sumagot ay doon ko lang na laman na ang sarili kong pinsan ay niloko ako.

"Ngayon lang tayo nagkakilala pero niloko mo na ako, mas mabuti pang bumalik ka nalang doon sa pinanggalingan mo at wag ka ng magpapakita sa akin dahil baka makalimotan ko kong anong mayron tayo"

Tinalikodan ko na sila pero hinigit ni Black ang isang braso ko para matigil ako sa pag lalakad.

"Bitawan mo ako" malaming kong sabi ngunit hindi siya nagpatinag sa sinabi ko kaya nagpumiglas ako pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang paghawak niya doon.

"Anong relasyon niyong dalawa?" Hindi ko alam kong sa akin ba siya nagtanong pero ako na ang sumagot.

"Wala kang pakialam mind your own business"

"May pakialam ako" Matigas niyang sabi.

"Kailan pa? Tsaka bitawan mo nga ako! Magsama kayong dalawang manloloko!"

Dahil sa pag pipiglas ko ay mas lalo niyang hinigpitan ang hawak na dahilan para masaktan ako.

"A-aray! Ano ba Black! Bitawan mo nga ako nasasaktan ako!"

"Pre bitawan mo si Max" singit ni Clinton at doon nabaling ang atensyon ni Black.

"Isa ka pa pinagkatiwalaan kita dahil kaibigan kita, sinabi ko sayo lahat ngunit ano to?" nagtataka ako sa kanila.

"Kailan pa kayo nagkakilala?"

"Matagal na" si Clinton na ang sumagot.

"Bitawan mo na pinsan ko pre dahil baka makalimotan kong kaibigan kita. Hindi ko alam na pinsan ko pala ang sinasabi mo sa akin noon dahil ngayon lang kami nagkakilala pero sa nakikita ko ngayon hindi ko mapapalagpas ang pananakit mo sa pinsan ko"

Nanlaki ang mata ni Black sa sinabi ni Clinton ewan ko kong saang banda siya nagulat ngunit hindi niya sinunod ang sinabi ng pinsan ko at hinatak lamang ako sa kong saan dahil malaki siyang tao kompara sa akin ay napasunod nalang ako.

--

Hindi ko na pansing nasa harap na pala kami ng sasakyan niya at pinagbuksan niya na ako sa frontset. Hindi ako gumalaw at tinitigan siya nang may pagtataka.

My Maniac CEO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon