Simula

10.2K 242 10
                                    

Simula


Pagod kong nilapag ang bag na naglalaman ng sinuot ko para sa gabing iyon. Huminga ako ng napakalalim bago humiga sa maliit kong kama. Pinilit kong ipikit ang mga mata kahit pa’y hindi ako dinadala ng pagod sa antok. Pinagmasdan ko ang kisame, maputi at walang halong dumi. Malinis at halatang bago, hindi kailanman gamit. Namuo muli ang luha sa mata ko pagkatapos pagmasdan ang kisame.

Bakit ganito ang buhay? Bakit kailangan kong harapin ang hirap? Bakit ako ang sumalo lahat ng kasalanan ni tatay? Bakit ako ang humaharap sa mga kasalanan nila? Wala naman akong ibang hinagad kung di magkaroon ng maayos at maginhawang buhay! Hindi ko hiningi na mabuhay sa marangyang pamamaraan. Makakain lang ng tatlong beses sa isang araw ay solve na ako.

Pinahid ko ang luha tsaka pinili nalang na matulog. Nagising ako sa kalampog sa kabilang kwarto ng apartment ko. Sumakit bigla ang ulo ko dahil sa ingay ni Berna. Jusko, ang aga-aga boses na matinis na niya agad ang bubungad sa akin! Nakakasira talaga ng araw si Berna! Walanghiya talaga! Malakas kong hinampas ang dingding na humahati sa amin, natigil ang babaeng putak ng putak sa kabilang kwarto.

“Ano ba ‘yan, Berna! Ang aga-aga boses mo na naman! Jusko ka talaga gurl!” inis kong sabi.

“Bwesit kasi ‘tong boyfriend ko e! Nakita kong may kalampungan kahapon sa school natin! Shit talaga! Tumataas ang altapresyon ko sa kanya!” inis at galit na sagot ni Berna.

Napahinga ako ng malalim. Shit, yung boyfriend na naman niyang malandi! Hindi na talaga siya natuto sa lalaking iyon! Pati nga ako ay pinapakitaan ng landi e!

“Sabi ko naman sayong hiwalayan mo na ‘yan! Ang katol ng boyfriend mo, gusto yata lahat ng babae maging syota niya!” sagot ko.

Rinig ko ang kalampog sa kwarto ng kaibigan kaya umiling nalang ako. Wala na akong magagawa sa kanya, sadyang mahal niya talaga yung makatol na lalaki na ‘yun! Naku, kung ako talaga ang lokohin sa harap ko, talagang magwawala ako sa galit at baka mapatay ko sila ng kabit niya! Buti nalang talaga at hindi ako pumapasok sa mga relasyon. Tatanda lang ako sa pag-iisip sa kanya kung nagkataon!

Kailangan ko pang maghanap ng maraming pera para sa pamilya kong nasa probinsya. May dalawa pa akong kapatid na kasalukuyang nag-aaral ng senior high kaya todo kayod talaga ako dito. Mabuti nga’t nakakahanap pa ng labada si nanay para naman lang sa gastusin nila sa pang araw-araw. Yung tatay ko kasing walang kwenta ay nagkaroon ng ibang pamilya kaya naiwan kami na naghihirap. Wala naman akong choice kung ‘di tulungan si nanay lalo pa’t mahina na siya ngayon.

Kaya iyon ang matibay kong rason kung bakit hindi ako pumapasok sa pakikipag-relasyon. Pagod na nga ako kakaisip sa mga bayarin ng pamilya ko sa probinsya tapos dadagdag pa ang lalaki na baka ikamatay ko sa kakaisip. Mabuti na manlang kung mayaman tsaka gwapo, baka pag-isapan ko pa ng mabuti. Si Berna naman, matalik ko na siyang kaibigan. Si Theia ang medyo mabait sa kabilang dalawa. Pareho kami ng ugali ni Theia, ayaw niya din ng relasyon ngayong nag-aaral pa kami.

Simula ng lumuwas ako ng maynila, siya na ang tumulong sa akin para makahanap ng trabaho dito. Siya na din ang naging panganay kong ate sa tuwing may problema ako. Kaming tatlo ang nagtutulungan sa isa’t-isa kaya may malasakit ako sa kanilang dalawa.

Ayoko lang sa boyfriend niya kasi manloloko iyon! Ilang ulit ng sinaktan ang kaibigan ko kaya ako ang nabwe-bwesit sa kanya. Pero itong lukaret kong kaibigan ay sige lang ng sige, basta’t mahal niya ay okay lang! bwesit! Mga lalaki talaga mukhang suso ang mukha! Sobrang gahaman sa babae, gusto lahat yata ng eba sa mundo ay angkinin! Dumagdag pa ang ginawa sa amin ni tatay kaya mas lalo akong nagagalit at nagmumuhi sa kanila e!

Well, sa larangan ng trabaho ko ay nakakaganti naman ako. Kung laro ang habol nila sa amin, ‘yun din ang binibigay namin sa kanila. They want hot play, then that’s we give to them. Pero hinding-hindi sila aabot sa puntong makukuha ako! Hinding-hindi dahil baka mapatay ko lang sila! Mahigpit ang sekyuridad ko, hindi ako pwedeng madala sa hotel o kama. Wala sa kontrata ko ang pahintulot na maangkin dahil labag iyon sa batas ko! Kaya hanggang pagpapaligaya lang ako sa kanila…sa paraan ng pagsasayaw sa init ng entablado.

Ruthless Series: Indecent Proposal (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon