Wakas

6.6K 171 16
                                    

Wakas

Matalim kong tinitigan ang anak na masama ang tingin sa akin. Magkaharap kami at kasalukuyang nasa study room ko para mag-usap. Umuusok sa galit ng pumasok at halos sapakin ako sa sobrang pagkamuhi. Hindi ko rin mapigilan ang sarili na matawa sa itsura niya, animo'y gusto akong patayin. Malaking kasalanan ang nagawa ko pero ginawa ko 'yon para sa kanya. 

Para sa kinabukasan nilang dalawa. Masama nang protektahan ko ang kinabukasan nila? Mali bang ayusin ko ang haharapin nilang buhay? Mali ba ang desisyon na ginawa ko? Reshia is a good girl. She has a passion and dream that want to achieve. She is a clever woman. May patutunguhan. May kinabukasan. At ang mapunta si Arvo sa kanya ay hindi nararapat. My son needs to aim the best for them. 

Ang bata pa nila upang gawin ang mga gusto. Ang magpakasal na wala pang nararating ay hindi kailanman nararapat sa akin. Ayokong bumuo sila ng pamilya na malulugmok sa huling banda. I want my son to realize that. Marriage needs future, and future needs money. Hindi iikot ang mundo sa pagmamahal lang. Hindi kailanman iikot ang mundo sa puso. 

In my case with my wife, may narating naman na ako bago kami magsama ni Ariadna noon. Though, she hasn't reached the college degree that time, at least we have the future because I am already graduate. Iyon ang gusto kong gawin ni Arvo. To finish education, before settling down. Hindi madali ang buhay pag-a-asawa. Baka kapag dumating ang panahon ay magsisisi silang dalawa kung bakit maagang bumuo ng pamilya.

"Paano mo nagawa sa akin 'to, Papa!? Seriously? Sarili mong anak, Pa?" ang litid sa leeg ay kitang-kita ko.

Ngumisi ako. Inabot ang wine at sumimsim bago sumagot.

"Nararapat ka ba kay Reshia, Arvo? May kinabukasan ba kayong haharapin pagkatapos ng gusto mong gawin? Think about it." malamig kong usal.

Umiling-iling siya at dinampot ang babasagin kong award na nakuha sa isang business awarding noon. Galit niyang hinagis sa kung saan. Tunog ng pagkabasag ang narinig sa aming dalawa. 

"Sa tingin mo wala akong plano sa aming dalawa huh!? Of course, I have a plan! After our marriage, I will find ways for us!" he said fuming mad.

I shook my head while grinning lips. Uminom ako sa wine at natuwa sa frustrated na mukha ng anak ko.

"Kailan pa? Kapag mabuntis na siya? Kapag magka-anak kayo? No way, Arvo Jashiel!" mariin kong sabi.

Napabuga siya ng marahas. Galit na sinuntok ang pader at lumabas na nag-a-alburuto ang ulo. Ngumisi ako. Hindi ako madadala sa ganoon lang. I want the assurance that their future will be in good shape. Ayokong mamulubi ang magiging apo ko dahil sa kamaliang nagawa nila. 

Pumasok ang asawa ko na nag-aalalang mga mata. Nagulat siya ng makita ang basag sa sahig, lumapit sa akin na halos hindi makapaniwala. Reshia will be gone tomorrow. Nakatakda siyang umalis ng bansa upang tapusin ang kolehiyo sa ibang bansa. I plan for this so that their future will be settled good. Pumayag naman siya dahil para na rin sa kinabukasan nila. Tsaka mas pinili niya ang offer ko kaysa kay Arvo. It means to say na importante talaga ang pag-aaral sa kanya.

"What's happen, Arviel?" she asked me.

I sighed heavily.

"We got a fight, Ariadna. He's mad at me." mahina kong sagot.

Niyakap niya ako sabay haplos sa aking likod. I want to cry for my son. I just want the best for him. I want him to finish education before marrying Reshia. I want him to have a future with his life. Hindi pwedeng basta ko nalang sila hayaan.

"He loves that woman, Arviel. Lahat gagawin niya para kay Reshia. Kahit pa ang masaktan tayong dalawa." malungkot na boses ng asawa ko.

Niyakap ko ang kanyang baywang ng mahigpit. My tears form in my eyes, ready to fall. 

Ruthless Series: Indecent Proposal (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon