Kabanata 12

7.1K 198 19
                                    

Kabanata 12

Deadliest


Malamig kong tinitignan ang boss ng MHC. Nakaupo siya sa harap namin habang nakatitig sa akin. Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. Ano ba 'tong ginagawa niya at bakit nakatitig sa akin? Ano pa ba ang gusto niya? Bakit ba ganito siya? Bakit ba pinapahirapan niya ako? Gusto niya ba talagang manakit ng tao? 

Umiling-iling ako at muling nakinig sa kanyang sinasabi. Hindi ko alam kung tama ba itong pagtrabaho sa kanya. May pakiramdam akong magiging sagabal siya sa trabaho ko. Oo, alam kong makapangyarihang tao siya at kinakatukan sa larangan ng negosyo pero hindi naman dapat palagi siyang masusunod. May karapatan ako bilang tao! Karapatan kong lumaban. Karapatan kong umayaw. Karapatan kong masaktan!

Pero bakit parang gusto niyang sinasaktan lang ako? Bakit siya ganito? Ano ba talaga ang gusto niya? Saktan ako! Paiyakin ako! Saktan itong puso ko! Grabe siya! Wala talaga silang puso! Pareho lang ng kapatid niyang babae! Masasahol ang ugali! 

"Miss Arsola…pay attention," he mentioning me.

Rumiin ang titig ko sa kanya ng bumaling. Shit, kailangan pa ba talagang magbigkas ng pangalan ko? Kailangan pa ba? Umiling ako at nakinig nalang para hindi na siya magsalita sa akin. Ayoko siyang pansinin. Ayokong ibigay ulit sa kanya ang sarili ko. Sa tingin ko, tama na ang mga pagkakataon na hinayaan ko siyang angkinin at gawin parausan ako. Tama na iyon! Gaya ng sabi ng karamihan, pagkatapos gamitin ang pagsawaan, itatapon nalang na parang basura.

I will not risk my worth as woman. Once is enough! And I need to give the love for myself. I need to love myself. This time, for myself! For my family and for my future. Arviel discuss some important matter in the project. 

"So to end this meeting, I'd like to announce that our mall model is Ariadna Arsola." he announced.

Napahinga ako. Napilitan akong ngumiti dahil napabaling sa akin ang mga lalaking nasa upuan. Nagpalakpakan sila at animo'y nagustuhan ako para sa mall project.

"She's beautiful and young. Good pick, Arviel." sabi ng isang matanda. 

Umigting ang panga ni Arviel at bumaling sa nagsabi.

"That's my taste." he said coldly.

Umiling ang mga kalalakihan at natawa sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng hiya sa kanyang sinabi. He's shit! Bakit ba sinabi niya 'yon? Bakit niya ako pinapahiya sa mga lalaki dito? Ano daw? Taste niya? Gago talaga siya! 

Kalma, Ariadna! You have to be patience! You have to calm down! Nang matapos ang meeting, nauna akong lumabas upang umalis. Ayokong manatili doon lalo pa't nandoon siya at siguradong maghaharap na naman kami. Ayokong makausap siya! Kaya ng makalabas, agad kong nakita ang kotse ni Joules, matyagang naghihintay sa akin. He's wearing a white t-shirt and ripped jeans. 

He look so fresh! Nang makita ako ay ngumiti siya. Agad nawala ang galit ko dahil sa ngiti niya. Nakaka wala naman ng stress ang ngiti niya. Lumapit ako at ngumiti rin sa kanya. Umayos siya ng tayo at huminga ng malalim. 

"Done?" he asked.

I nodded while smiling.

"Yup. Ikaw, tapos na?" balik tanong ko.

He smiled sweetly.

"Yes. Let's go? May pupuntahan ka pa ba?" sa marahan niyang boses.

Umiling ako at ngumiti rin.

"Wala na. Gusto ko nalang umuwi." sagot ko.

Sumingkit ang mga mata niya.

"Hmm, mag-date nalang kaya muna tayo?" malambing niyang sabi.

Ruthless Series: Indecent Proposal (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon