Kabanata 8

5.7K 167 24
                                    

Kabanata 8

Malamig


"A--ahh Oo…" mahina kong sagot.

She smirked.

"Can you give me a juice." she command.

Tumango ako at mabilis sumunod. Nanginginig pa ang kamay ng kumuha ng juice sa fridge. Kabadong-kabado sa babaeng bisita ngayon. Sinalinan ko siya ng juice sa baso at nilagay sa maliit na platito. Bumalik ako sa sala at nilapag sa center table ang juice. Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"I--ito na po yung juice niyo… ma'am," mahina kong sabi.

She nodded. Napahinga ako ng malalim at tumayo sa gilid niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Shit, sobrang ganda! Kung gaano kagwapo si Arviel, mas lalo naman itong si Alleth. Kakaiba talaga ang genes nila. 

"Yaya, can you tell me about my brother. Hindi na siya umuuwi sa bahay namin. At ngayon ko lang nalaman na may condo siya na hindi sinabi sa amin. Pumupunta ba dito si Dian Solayao?" she said.

Umiling ako at ngumiti ng pilit. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko'y sasabog sa kaba at takot. Pero kailangan ko pa ring sumagot. Kailangan ko siyang respetuhin. Huminga ako ng malalim.

"Hindi po, ma'am. Kaming dalawa lang po ni sir Arviel ang nakatira dito." tanong ko. 

Ngumisi siya.

"Really? Ano kayang ginagawa niyo dito? Tagu-taguan? O pick-pack boom?" she said sarcastically.

Umiling-iling ako.

"Hindi po ma'am. Katulong lang po ako ni sir---"

"Are you sure? Sa ganda mong 'yan, hindi ka ikama ni kuya? Unbelievable!" 

Huminga ako ng malalim at sasagot na sana ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Arviel. Kunot-noo ng makita si Alleth sa sofa. Hinubad niya ang sapatos at nilakad sa gilid. Lumakad siya palapit sa akin at nagulat ng halikan niya ako sa labi. Nakita kong ngumisi ang kanyang kapatid. Nang humiwalay sa akin, hinarap niya si Alleth. 

"What are you doing here?" malamig niyang boses.

Umupo ng maarte si Mary Alleth at ngumisi sa kanyang kuya.

"Kuya Otoy, nandito ka pala. Himala at may babae kang bina-bahay. Alam ba 'to ni mama at papa?" nakangising sabi ni Alleth.

Umigting ang panga ni Arviel at tumingin ng seryoso sa kanyang kapatid.

"Umuwi ka na, Alleth. Wag na wag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol dito. I warn you." may pagbabanta sa kanyang boses.

Umiling si Alleth at ngumisi.

"Pinagbabantaan mo na ako ngayon huh, Otoy. Bakit? Takot kang malaman ng mga Solayao na may babae kang bina-bahay! How ruthless you are!" she said madly.

Ngumisi si Arviel at niyakap ang baywang ko. 

"Mary Alleth, this is life. Wala akong pakialam sa mga ibang tao. Masaktan man o hindi, wala akong pakialam. Tanging negosyo lang ang habol ko sa kanila. Wala ng iba, iyon lang." malamig niyang sabi.

Umiling-iling si Alleth at hindi makapaniwala sa kanyang kapatid. 

"I can't believe this! Kapag malaman 'to ni papa, siguradong lagot ka! Damn Kuya, feeling mo naman masarap ka!" ani Alleth.

"Masarap naman talaga ako huh. Look at my girl, she's drooling over me." hambog na sagot ni Arviel.

Shit! Arrogant!

"Girl? Ang sabi niya, katulong mo lang siya." sagot ni Alleth.

Mabilis na bumaling sa akin si Arviel, igting na igting ang panga at namumula na mga mata. Ang kanyang yakap ay mas lalong humigpit, animo'y hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang kapatid. 

Ruthless Series: Indecent Proposal (HANDSOMELY COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora