Say You Won't Let Go

4 2 2
                                    

Nate's POV

"After natin maggraduate ng college, shempre work muna. Tapos magtratravel tayo sa iba ibang bansa. Tas papakasal tayo, Nate gusto ko chruch wedding ha." Natawa ako sa kanya.

"Tas magkakaroon na ng Nate jr. at princess Cassandra version 2." Pagbibiro ko.

"Isang Nate jr, isang Cassandra version 2 tsaka isang baby Nate pa." Dugtong niya pa na ikinatawa ulit namin.

"Tas magkakaroon tayo ng mga cute na apo at ispospoil naten sila kasi ganon ang ginagawa ng mga grandparents." Dagdag ko din.

"Edi may baston ka na non?"

"Ikaw naman rinarayuma na!" Bawi ko.

"Tas may pustiso ka na HAHAHA!"

"Gwapo parin." I smirked.

"Sus, matanda naman na. Pero dibale malayo pa naman yun hehe." Ngumiti nalang ako. "Saan mo pala gustong pumunta na mga places?" Pagbabago niya ng topic.

"Kahit saan basta kasama kita." Mabilis na sagot ko.

"Eh yung totoo nga. Saan talaga?"

"Totoo nga yun. Wala naman talagang specific, ikaw kung saan mo nalang gusto doon tayo pupunta."

"How about dun sa merong northern lights? Gusto kong kasama kitang makita yon."

"Kahit saan Cass. Kahit sa bermuda's traingle pa yan basta magkasama tayo." I joked.

"Huy! Madami pa tayong bucket list erase na yung Bermuda hahaha." She held my hand and played with my fingers.

"Ano sa tingin mo ba?"

"Ano?"

"Tayo hanggang huli ha."

"Oo. Papakasalan kita Cassandra."

Ilang segundo kaming natahimik habang tinitignan ang mga bituin. Nakasandal ako sa puno habang nakasandal siya sa akin. This is what our Saturday night looks like, lagi kaming nandito sa secret place namin habang nagstastar gazing while having deep talks and imagining our future.

She held my hand and played with my fingers.

Sigurado na ako. Siya na talaga yung gusto kong makasama habang buhay.

"Look! A shooting star!" She exclaimed. Pinikit ko agad yung mga mata ko pero imbes na humiling ay nagpasalamat ako. Parang dati lang pinapangarap ko siya, ngayon nandito na.

"Anong winish mo?" Tanong ko.

"Eh diba di magkakatotoo pag sinabi?"

"Silly." Ginulo gulo ko ang buhok niya.

"Hayy... I want us to be like this forever." She whispered.

Say You Won't Let GoWhere stories live. Discover now