"Hindi naman namin sinasadya yon!" depensa agad ni Van.

"Sinadya nila yon, Jen. Dinayo talaga nila yun para doon magfoodtrip." Ako naman ay natutuwang nakisulsol din para mapagalitan ang mga ito. Pag pinabayaan kasi ay makakasanayan lang gawin nitong dalawa. Buti sana kung walang nadadamay.

Ayun tuloy yung dalawa, napayuko na lang habang pinapagalitan ni Jen. Serves them right!

Napangiti ako ng kalabitin ako ni Ember at saka ngumiti sakin. She showed her toothless grin which I really find so heart-warming.

"Momma!"

Napalingon ako sa boses bata na nagsalita. I saw Rainey, yung anak ni Railey at Alice. Buhat buhat ito ni Rail. Itinuturo niyon si Ember na nakatingin naman sakin.

Ngumiti lang si Railey dito at saka masuyong hinaplos yung ulo. "That's baby Ember, baby. Want to touch her hand?"

Nung tumango si Rainey ay binuhat ito ni Rail at inilapit kay Ember. Her kid just gently laid her palm on Ember's line of vision.

Si Jen ay napatigil sa paglilitanya kina Van at Terry dahil sa paglapit ni Rail.

"Hold Ate Rainey's hand, Ember." Utos pa nito sa baby nila ni Grant.

Natawa na lang kaming lahat ng imbes na abutin yung kamay ni Rainey ay hinampas pa ito ni Ember sa mukha. Ayun, pumalahaw tuloy ng iyak si Rainey na isinubsob yung mukha sa balikat ng Momma nito.

"Tsk. Manang mana sa Momma nya. Weak! Basted agad." Kantyaw ni Van na ang lakas ng tawa.

Si Alice naman na katabi ni Railey ay tumawa lang. "Watch out, Van. Magiging heartbreaker tong first born ko."

I groaned when Vanilla just childishly stuck out her tongue. Para talaga itong bata. Paano kaya ito natitiis ni Leigh? "Dream on, Al. Itong baby namin ni Leigh, babastedin lang din yang Rainey mo."

"Asus. Maghahabol lang yang baby nyo sa anak ko. Pustahan? Iyakin yan gaya mo e. Magiging utusan lang yan ni Rain." Ayaw magpatalo na sumabat na din si Railey. Tinablan yata dahil sa panglalait ni Van.

"Wow ha!" Pumalatak pa si Van. "Matalino si Leigh no. Sa kanya magmamana 'to. Sasabihin ko sa baby namin na huwag pakopyahin sa exams yang anak mo!"

"Si Leigh lang matalino. Ikaw hindi. Nangongopya ka lang din naman!"

Bago pa magkainitan at magkapikunan ang mga ito ay gumitna na ako. Mahirap na, pati mga batang hindi pa naipapanganak ay gusto na nilang pag-away-awayin. May saltik talaga itong mga babaeng ito.

"C'mon, guys. Your babies will surely be exceptional too. Baka nga magkaroon pa ng photographic memory yung baby nila Van at Leigh. O kaya naman si Rainey pala gaya ni Alice na sobrang gali-"

"Sakin nagmana si Rainey no!" ayaw patalong hirit pa ni Railey.

"Hala, kawawa naman." Bubulong-bulong na sabi ni Van. Siniko tuloy ito ni Terry kaya tumahimik na din.

"Railey is quite impressive in her craft designs. For sure Rainey got an eye for that too. Di ba Alice?" Hinarap ko si Al na mukhang hindi naman apektado sa bangayan nila Railey at Vanilla. Basta ito ay busy sa paglalagay ng powder at bimpo sa likod ni Rain.

"Al, sumagot ka!" Naiinis na siniko ito ng asawa nito kaya naman nagtatakang umangat yung tingin nito sakin. "Inaapi ni Van yung anak mo! Magsalita ka nga!"

"Our baby is exceptional, babe. Kahit yung sa kanila. Ours, Vanilla's, Terry's, Jen's, Corinne's. They are all wonderful kids with wonderful parents. For sure, they'll be remarkable. No need to have an argument about it. Bakit nyo ba ginagawang issue? Pati bata dinadamay nyo. If that's me, I'd rather teach my kids to be diverse and open to everything para hindi nya kailangan iinsist sa iba yung sariling beliefs nya. They don't need to validate their worth" Mahabang litanya ni Alice na nakapagpatahimik sa mga ito.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon