Epilogue

1.6M 55.7K 104K
                                    

"Duke! Tingnan mo iyong bata, nanonood na naman!" ani Kuya Sean bago ituro ang bintana ng katapat naming bahay gamit ang kanyang nguso.

I saw a girl my age and her eyes were puffy. Her hair was brownish and her skin was fair. One look and you would know that she was beautiful... but dirty. Magulo ang buhok at may dumi pa sa mukha.

Halos isang taon na rin simula no'ng lumipat sila rito pero hanggang ngayon ay hindi lumalabas ang batang babae. Parang laging nakakulong lang sa bahay.

"Kaya siguro maputi..."

"Huh?"

Tumawa ako kay Kuya Sean at umiling. "Hayaan mo na 'yon, Kuya! Mukhang madungis!"

Our days were like that. Madalas ay nahuhuli ko ang batang babae na nakatingin lang sa amin ni Kuya at nanonood mula sa bintana. Hindi ko na lang siya pinapansin kahit pansin ko sa kulay tsokolate niyang mata na gusto niyang makisali sa amin. Hindi naman kasi siya lumalabas ng bahay! Paano ko siya makikilala?

Until that one sunny day.

Kalalabas ko lang ng bahay. Wala si Kuya Sean kaya medyo masama ang loob ko dahil wala akong makalalaro. Still, I went outside our house to play under the sun. I was having my alone time when my eyes drifted to the girl who was making her way out of the wooden fence. Dahil magkatapat lang ang bahay namin, ako agad ang nakita niya pagkalabas.

She was wearing a big, old shirt that fell below her knees. Nakasuklay nang maayos ang buhok at hindi alintana ang pagtama ng araw sa balat niya. She had a little smile on her face, as if the sun was pleasant and soothing.

I was taken aback because she didn't appear intimidated by my snobbish facial expression. Lumapit pa ito sa akin at nagpakilala.

"Hi, ako si Sol."

Her smile warmed my heart. It shone brighter than the radiance of the sun.

That simple conversation started our friendship. Hindi siya laging pwedeng lumabas dahil nalaman kong sinasaktan siya ng tatay niya kaya minsan, pati ang pagligo ay masakit para sa mga sugat niya. May mga kapitbahay pa kaming inaasar siya dahil madalas siyang marumi kaya tuloy, madalas din ang pakikipag-away ko.

"Palibhasa, hindi niyo alam ang nangyayari! Oo, marumi si Sol pero hindi naman siya pangit kagaya niyo!"

"Ang sabihin mo, crush mo lang 'yon!"

"Oo nga, Duke! Sayang ka at ang pangit ng taste mo!"

Nag-init ang ulo ko sa mga paratang nila. Hindi ko siya crush! Ayoko lang na inaaway siya dahil nakakaawa ang lagay niya! Hindi ko na sila pinansin at hinayaan na lang na laitin ako kaysa si Sol ang pag-usapan nila.

Alam din nina Mommy ang nangyayari sa pamilya sa tapat ng bahay namin kaya nang maghiwalay ang mag-asawa, agad kong pinuntahan si Sol para samahan siya. Ang kaso, imbis na malungkot, nakita ko ang ngiti sa labi niya.

"Wala nang mananakit sa amin ni Nanay, Duke."

After that incident, she seemed to appear like a normal kid. Madalas makipag-away sa mga kapitbahay naming bata rin at napapailing na lang ako sa mga gulong pinapasok niya.

"Oh, ano ngayon kung labandera si Nanay? Hindi pa rin niya kayang pabanguhin ang hininga mo, Elena!" pakikipagtalo niya sa babaeng ka-edad din namin.

Nasa likod niya lang ako... sakaling may mangyaring kung ano sa kanya. Hindi nga ako nagkamali nang sumugod ang kaaway niya at imbes na braso niya ang makalmot, ang likod ko ang sumalo sa pasakit ng kaaway niya. Napa-igik na lang ako pero hindi ako nag-reklamo. Alangan namang hayaan kong mapaaway si Sol? Baka hindi ako makatulog kapag nagka-sugat pa 'to!

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon