Chapter 7

887K 39.6K 45.1K
                                    

"Hulog na hulog ka, 'no?" si Mitzie habang nagbabasa ng kung ano sa notebook niya.

Nasa malawak na garden kami sa school at dahil class hours, kakaunti lang ang mga estudyante. We were sitting on a bench under the narra tree kaya ang sinag ng araw ay hindi tumatama sa aming balat. Wala sina Duke at Troy dahil may meeting ang officers ng Engineering Society. Malapit na kasi ang week ng college namin kaya busy silang lahat sa pag-aasikaso.

"Nakita ko kayo sa rooftop. May pahalik ka pa sa noo, talandi ka."

Mabilis ang ginawa kong paghampas sa balikat niya. Napaaray siya dahil sa lakas ng palo ko. I scoffed. Serves you right, Mitz.

"Ang ingay mo, gago."

Noong isang gabi ay matagal pa akong natulala dahil sa ulo ni Duke sa balikat ko. It was one of the most peaceful nights I'd ever had, but it couldn't compare to my love for mornings. For several minutes, I did not move. Ayokong maabala siya sa pagtulog lalo pa at ramdam ko ang panatag niyang paghinga. I had the chance to gaze at him with adoration and love in my eyes. And yes, Mitzie was right. When he was sound asleep, I kissed his forehead.

"Naalimpungatan lang ako tapos pagmulat ko, may pahalik?" natatawang asar ulit niya.

Inirapan ko siya. "Miss ko na iyong tahimik na ikaw. Nahahawa ka na kay Troy."

"Feeling ko kasi gusto ka rin ni Duke."

"Paasa ampota."

She laughed. "No, seriously! No'ng unang pasukan, imbes na ipakilala niya ang sarili niya sa akin, ikinuwento ka niya. He's smitten."

"Nang-aasar lang yon!" namumulang tugon ko sa babae. Nakangiti siya nang nang-aasar sa akin dahil sa pamumula ng pisngi ko.

"Kita mo iyong babae sa likod? iyong maputing brown ang buhok? Bobo sa math at science yon pero magaling mag-bake," ginaya pa niya ang boses ni Duke.

"Shut up, Mitz!" saway ko. "Nanglait pa rin siya kaya wag mo akong paasahin!"

"Sol ang pangalan non, ibig sabihin "sun" kasi no'ng bata kami, laging amoy araw iyan," patuloy niya. "It wasn't exactly the same words pero ganoon ang tinutukoy niya. May mga sinabi rin siyang magandang bagay tungkol sa 'yo pero ayaw ko namang iparinig pa at baka matuwa ka."

Malakas kong pinalo ang balikat niya kaya itinaas niya ang dalawang kamay para sumuko. She was laughing at my misery, and all I could do was glare at her. Ilang beses niya nang ikinuwento sa akin iyon pero hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako. Lahat naman tayo ay amoy araw no'ng bata! Si Duke lang yata ang biniyayaan ng natural na bango ni Lord.

Matapos ang pang-aalaska sa akin, muli siyang nag-aral na parang walang nangyari. Kahit hindi siya nakatingin ay inirapan ko siya dahil hindi ako nakaganti sa pang-aasar. Wala naman kasi siyang ichinichika tungkol kay Kuya Sean.

Umilaw ang cellphone ko kaya napatingin ako roon. Nakita kong tumatawag si Duke kaya hindi ako nag-atubiling sagutin iyon.

"Oh, bakit, pangit? Miss mo agad ako?" bungad ko sa kanya.

He scoffed. "Kasama mo ba si Mitzie?"

"Yup." Tumango pa ako na akala mo ay kita niya ako. "Bakit?"

"Papuntahin mo sa library. Mag-aaral kami."

Kinulbit ko si Mitzie at napaangat naman ng tingin sa akin ang babae. "Mag-aral daw kayo sa lib," ani ko sa kanya. Tumango siya at inayos ang gamit. Inilagay niya ang notebook sa bag at mabilis na tumayo.

"Papunta na siya sa library."

"Sige, baho."

Kumunot ang noo ko. "Aba, Duke. Hindi kita pinalaking ganiyan."

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon