Chapter 26

951K 40.9K 35.2K
                                    

"Let's just move on, please..."

Tuluyan akong umalis sa harap niya matapos sabihin iyon. Dumiretso ako sa cafeteria at umupo sa malapit sa glass wall. Tanaw ko ang dagat doon kaya bahagyang kumalma ang sistema ko.

I was not blind nor numb. I knew him. He was making a move again. He wanted me to feel something again. And I learned my lesson. Nasa kanya na si Mitzie. May gusto na sa kanya si Bethany. What more could he ask for?

Sa loob ng maraming taon, hiniling ko na sana ay hindi na kami ulit magkita. Hindi dahil hindi pa ako handang makita siya kung hindi dahil hindi pa ako handa sa mararamdaman ko.

Pero sa tuwing maglalakad ako sa isang mataong lugar, umaasa ang puso kong makatagpo ulit ang mata niya. Umaasa akong kahit isang sulyap lang ay makita ko ulit siya.

And now, after so many years of emptiness, he was here again, making me feel things. Natatakot ako na baka hindi ko na naman mapigilan ang puso ko.

Hindi iisang beses kong binalikan ang mga nangyari noon. Sa mga masasayang alaala namin hanggang sa masasakit. Before Mitzie, it was always me. Ako iyong pinagluluto, hinahawakan, pinapayungan, niyayakap at minamahal. Kaya noong dumating siya at bigla akong naging pangalawa, ang hirap mag-adjust. Kung alam ko lang na ang huling yakap ko na pala sa kanya ay noong nasa tapat kami ng Sweets and Treats, sana tinagalan ko na.

But then it would all come back to me.

He said he didn't love me years ago. He once told me that I was nothing in comparison to her. Not only did it break my heart, but it also destroyed my self-esteem. Ipinarinig niya sa buong school kung paano niya ako maliitin.

With my negative thoughts, bumalik ako sa hall nang medyo masama ang loob. Even after I was announced in second place, I still didn't feel complete. There was a hollow in my chest that I couldn't get rid of.

"Are you okay?"

Tumango lang ako kay Bethany. May interview kami ngayon. Ang baker sa Golden Breads ang tinanghal na panalo habang isang Asian pastry chef naman ang nasa third place. Still, lima kaming i-interview-hin.

Nagbihis ako nang mas maayos na damit dahil recorded ang interview namin. I-u-upload ito online. I didn't know what questions would be asked, but I wanted to answer with all honesty.

Unang ininterview ang nanalo kaya nakapaghanda-handa ako ng sagot. I really have to open myself. Wala namang kaso iyon sa akin pero kinakabahan pa rin ako.

Nang matapos ang nauna ay ako naman ang tinawag. Nanonood lang sa screen ang top 5 finalists habang ako naman ay umupo na sa couch na nakahanda para sa amin. There were cameras and lights. Medyo hindi ako sanay sa ganito pero kailangan ko ito para sa business ko.

"Hi, Ms. Solene Clemente!" she greeted me enthusiastically.

"Hi," I answered briefly.

She smiled at me. "After winning second place, what are your next plans?"

Sinagot ko ang tanong niya. Sinabi kong magfofocus muna ako sa opening ng shop ko dahil matagal ko nang pangarap iyon. I'll create more recipes for my customers, dagdag ko pa.

"A lot of bakery owners want you to be their brand ambassadress. Will you give it a shot?"

Umiling ako. "I don't think I'll be able to consider offers for the time being because I have a lot on my mind. But if fate wants me to, I'll do it."

Nagpatuloy ang pagtatanong niya. Kalimitan ay tungkol lang sa paggagawa ko ng recipe, kung paano ko pa ipopromote ang The Slice at kung ano pa ang mga i-e-expect ng future customers ko sa akin. I answered all of that with truthfulness.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon