Chapter 15

947K 41.3K 78.7K
                                    

Dahil Christmas break, I've decided to work at Sweets and Treats. Pinayagan din ako ni Nanay na magtrabaho dahil ilang beses ko siyang pinilit.

I got hired immediately dahil nakilala ako ni Ma'am Candy. Imbes na sa cashier lang ako at sa assistance, minsan ay hinahayaan nila akong mag-bake. And it made me so happy!

"Good morning, Sir. What's your order?" magalang na tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Tumingin siya sa menu sa taas at bahagyang binasa iyon.

"Chocolate chip cookie and..." he trailed off. "Iced americano."

Ngumiti ako bago marahang tumango sa kanya. I quickly assisted with his orders and returned to him.

It was a normal day for me. Maya't maya ang pasok ng customers kaya kahit nangangalay na kangingiti ay ngumingiti pa rin ako. When I told Jelay, Juwen, and Kiana that I had started working here, they were all jealous! Isang araw raw ay pupunta sila para bumisita.

Kasama ko si Ate Sab at ang dalawang pastry chef namin. Chef Rolenz had demanded a leave of absence until December 26th, which was a week away. Sarado ang shop namin sa 24 at 25 dahil noche buena at pasko. Ma'am Candy wanted us to celebrate the holiday with our loved ones.

"Saan ka sa pasko?" si Ate Sab habang nakaupo kami. Wala na masyadong customer.

Nagkibit balikat ako. "Baka sa bahay lang, Ate."

"Wala ka bang boyfriend?" biglang tanong niya.

I laughed. "Wala!"

Agad ding humupa ang tawa ko nang maalala si Duke. Ang pag-uusap namin no'ng nilalagnat ako ang naging huling seryosong usap namin. Sa school, nag-aasaran pa rin kami na parang walang nangyari.

But I knew the truth.

That night, our perfect friendship had a crack.

Sabay pa rin kaming pumapasok at umuuwi lagi pero hindi na kami masyadong nag-uusap. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin noon dahil tahimik lang din naman siya.

Wala nang akbay, hawak sa kamay, halik sa buhok at higa sa balikat. It just went away... with the cold breeze of December.

Hindi ako bato. Minsan ay sinusubukan niyang kausapin ako nang kaswal lang at pabirong nilalaro ang daliri ko, ngunit alam kong napapansin niyang iniilag ko ang kamay ko tuwing gagawin niya iyon.

Gusto kong maging kagaya ni Nanay na kapag ayaw na, ayaw na.

"Solene Clemente!"

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at narinig ang bahagyang pagtawa ni Ate Sab.

"Ayan naman pala ang boyfriend mo, eh."

Inirapan ko ang papalapit na Harvin sa pwesto namin bago tingnan si Ate Sab.

"Hindi ko boyfriend iyan!"

She just looked at Harvin nang tuluyan itong makalapit sa amin. "Harvin, hindi ka raw niya boyfriend."

Umupo ang lalaki sa tabi ko at inakbayan ang siliyang inuupuan ko.

"Idinedeny na naman ang relasyon natin, babe?! Sinasaktan mo na ako!"

Pabiro kong hinampas ang tiyan niya. "Umalis ka rito at nagtatrabaho ako!"

"Wow, paalisin mo ako sa shop ni Mama? Isusumbong kita!"

Umiling si Ate Sab habang nakatingin sa aming dalawa. May maliit na ngiti sa labi niya habang pinapanood kami.

"Galing-galingan mong manligaw, Harvin, at hindi pumapalag iyan," tanging nasabi niya.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon