"Ang sarap pala, ano?" Bigla ay bigkas ko saka ngumiti.

"What! You mean, na homerun ka?! OMG ka Marga! Punyeta ka bakla bakit hindi ka man lang nagtira para sakin! Papa Vinz ko 'yun e. Talandi ka talaga! Enebeyen!"

Napa-ngiwi ako sa reaksyon ni Beka.

Tumabi siya sakin, at mayamaya ay bigla niya lang ako inamoy amoy na para bang isa siyang aso.

"Ay! Amoy na amoy ko pa ang Papa Vinz ko! Takte ka! Sabi na akitin mo lang, bakit may pa homerun pa? Ano, meseket o meserep? Naka-ilang rounds ba kayo? Meserep be eng eseng Necele, Merge?"

Nang akma niya ulit akong amuyin ay tumayo na ako at diretsong naglakad patungo sa paanan ng hagdan. Nakataas na ang mga kilay ni Beka. Natawa ako.

"Ginawa ko lang 'yong side ko. Sige na magpahinga ka na, at maaga pa tayo mamaya,"

Alas-dos ng madaling araw na pala nang tumingin ako sa wrist watch ko. Kailangan ko nang magpahinga at matulog nang ilang oras.

"Bakla, huwag iika-ika hah?! Bakla ka, hindi ka na bergen! Tangina, sana ako rin Papa Vinz!"

Napailing nalang ako.

Nauna na ako kay Beka. Mas kailangan ko nang pahinga dahil napagod ako ng husto. Madali lang akong nag stay sa shower at 'agad na nagpalit ng pantulog na damit. Saka ko na isipin 'yung tungkol roon. Saka na kapag maulit ulit.

Kagat-labi akong napaisip. Bakit ang ' harot ko mag-isip ngayon?

"C'mon Marga!" Sita sa sarili.

Nang makahiga na ay napatingin 'agad ako sakin phone na nasa side table ng aking kama. Tumunog kasi, at message iyon. Kinuha at kaagad binasa ang mensahe na galing kay Nicolo.

"Sweetdream Marga"

Napa-buntong hininga nalang ako. Hindi ko na nireplayan ang mensahe na iyon at kaagad akong nakatulog. Kulang man ang tulog ay sinikap kong bumangon. Alas-sais nang umaga. Rekta akong tumungo ng banyo para maligo, at pagkatapos nun ay nagbihis saka bumaba dumiretso ng hapag.

"Parang ang tamlay mo ng alaga ko? Kulang ba talaga sa tulog o kulang sa yugyog?"

"Coffee please?"

"Ayan tayo e! Nakatikim lang ng isa, gusto nang ulit-ulitin na!"

"Beka, 'pinagsasabi mo?"

Tumabi si Beka sakin sabay sindot sa aking tagiliran.

"Mesherep?"

Nanlaki ang mga matang bumaling sa kanya.

"Beka!"

"Nakow! 'Yang mga ngiti na 'yan alam na alam ko na 'yan! Naku, Marga, ha?! Sinasabi ko sa'yo!"

Umiling ako. "Beka, wala lang 'yon, okay? Saka, pwede ba pakainin mo muna ako? Late na tayo sa totoo lang,"

Hindi kaagad kumilos si Beka. Tinatansya niya parin ako ng tingin.

"Masarap lang 'yan sa simula Marga, at sa huli iiyak ka, sinasabi ko sa'yo! Kaya ngayon palang tigilan mo na 'yan!"

"Beka!"

"Hindi iyan pambabanta Marga, warning iyan, warning."

Tahimik lang ako sa byahe hanggang sa makarating kami ng Laguna. Minsan ay kinakausap din ako ng ibang kasama ko, at tipid rin ang sagot ko.

"This place is perfect for our photoshoots later." Ani ng photographerna si Marlon. "Bagay na bagay sa mga magagandang modelo na katulad ninyo. Hehehe!"

Tipid akong ngumiti. 'Di hamak na mas malawak ang ngiti ng mga kasamahan ko.

Meanwhile. Nasa kani-kanilang kwarto na kami. Bawat room ay dalawa ang magkasama.

"Marga, right?"

Napatigil ako sa aking pag-aayos ng mga gamit nang magsalita ang kasama ko. Kakapasok niya lang.

"Opo and you are Monic Montiverde, right?

"Have we meet before, right?"

Ngiti akong tumango. "Oo, pero 'di pa ako ganun kakilala,"

Lumapit siya at naupo sa paanan ng kama ko. "Hindi ka pa kilala noon, kilala na kita, Margarita," maarte siyang tumawa. Well, may attitude talaga 'tong si Monic. Ayon sa mga naririnig kong tsismis tungkol sa kanya, patay na patay ito sa isang Alcantara, which is cousin ni Nicolo. Kung kilala niyo siya, sige kayo na!

"Hehe, ganun ba? Salamat naman Monic," kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit ko. Mamya ay tumayo na si Monic. Perpekto din ang katawan. Ganun talaga kapag modelo ka, dapat alagang-alaga.

"Friend?" Inabot niya pa sakin ang kamay nito para makipag-shakehands. Nagulat ako roon sa totoo lang. May attitude siya tapos gusto makipag-kaibigan sakin. If I know, walang may kumakaibigang kapwa modelo sa kanya dahil sa ugali niya. Well, hindi natin alam kung ano ba talaga ang totoong side niya kung bakit ganun nalang ang ugali nito.
"Hey! Are you okay? Sabi ko friend tayo, parang ayaw mo ata e!"

Natauhan ako sa sunod-sunod niyang sabi.

"H-ha? S-sorry, sure... sure, hehehe!"

Nakipag-shakehands na rin ako sa kanya at ngumiting walang halong orocan.

"Alam mo bang patay na patay ako sa isang Alcantara noon? My god! Hindi ko alam kung bakit nangyare iyon, siguro dahil gaga talaga ko, stupida, lokaloka, etcetera!" Nag-flip hair pa siya bago kinuha ang water goblet.

Napa-ngiwi ako. "E bakit nga ba?"

Dahil nag-kwento naman siya, why hindi niya nalang ituloy, ano?

"Dahil gaga nga ako! Hahahaha!"

Ang wirdo niya.

"You know that? While Alfonso was chasing Isabela, then I and were also chasing Alfonso," bigla ay tumawa siya.
"The good thing is, while I was chasing Alfonso, no one was chasing me! I feel sorry for myself,"

Ramdam ko 'yong awa sa kanya. Hindi ko alam bakit bigla bigla nalang siyang magsalita nang ganun sakin.

Bago pa man magsimula ang photoshoots namin ay sinabihan na kami ng aming organizer na dapat may energy ang lahat. 'Buti nalang meron ako nun. Napalingon ako sa gawi ni Monic, nakatingin pala siya sakin. Ako tuloy ang naiilang.

"Miss Marga, may naghahanap sa'yo!" Bigla ay sigaw ng isang make-up artist na kakarating lang ng venue.

Kunot-noo akong nilingon iyon. Sino naman?

"Sino raw?"

"E ayaw pasabi e, basta puntahan mo nalang roon,"

"Hah? E paano 'to? Ako ang unang isasalang sa photoshoots? Baka mawalan ako bigla ng trabaho dahil lang diyan e!"

Totoo naman kasi. Magsasalita pa sana ako nang magsalita ulit si Jb.

"Mawawalan talaga kami ng trabaho kung hindi mo iyon puntuhan ngayon din!"

Nagulat ako sa sagot niya.

"Hah?! Ano kamu?!"

"Naka-salalay sa iyo ang trabaho namin ngayon! Kaya kung gusto mong may trabaho pa kami puntahan mo at kausapin 'yon!"

Anak nang!!

"Sino ba kasi ang naghahanap sakin!? At bakit nadamay pa kayo?!"

Hindi kaagad nakasagot si Jb nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Ako"

Sa boses niya ay kilala ko na kung sino.

Napa-buntong hininga akong harapin siya.

"Lintik ka talaga! Tinatakot mo ba sila?!"

Ngumisi siya bago nagsalita.

"Sa palagay mo ba ang isang Alcantara ay nagbibiro lang nang basta-basta?"

Nang-aasar na sabi niya. Bigla ay sumeryoso din.

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Because, I want to see you? Masama ba 'yon?"

Napa-atras ako ng kunte nang bigla niya lang ako hinalikan sa labi.

HAPPY NEW YEAR AND ADVANCE
GOD BLESS AND STAY SAFE...

-MHAI-

Alcantara Series 6:The Curse of a Playboy(R18+)Where stories live. Discover now