Kabanata 7

4.2K 181 26
                                    

MARGARITA

WHAT should I do?

"Marga? Are you listening to us?"

Napa-balikwas ako ng tayo nang tumaas ang boses ng aking boss.

"P-po?" Naka-tangang wika ko, sabay papaling-paling nang aking ulo sa mga ka-meeting ko.

"Wala ka na naman sa wisyo mo," humalukipkip ang ginoo. "Ilang araw ka nang ganyan. Ano ba'ng nangyayari sa'yo? May bumabagabag ba sa isipan mo?" At saka tumayo, at lumapit sa kinalulugaran ko.

Napatungo ako sabay yumos nang aking kamao.

Halata na ba? Ga'no ka halata? Kasalanan ni Nicolo ito kung bakit ako nagkaka-ganito ngayon. Kung hindi sana sa mga sinabi niya sakin ay sana tamang wisyo sana ako ngayon, at nakikinig sa usapan.

"Hay, naku! Kung ganyan ka rin lang naman, Margarita, mas maigi pa—na magpahinga ka nalang muna," ani ng isang organizer.

"Pahinga?" akbay ng ginoo sa akin sabay tantya ng tingin. "Good idea, Miss Mhek. Dahil holiday na next week. Sige, hahayaan muna kitang mag relax at mag unwine kasama si Becky. After a week dapat nasa matinong pag-iisip na kayo. Lalo ka na, Marga. Do you understand me?"

I just nodded and deeply sigh.

Meanwhile. Habang naglalakad ako palabas ng agency may isang lalaki agad akong natanaw sa 'di kalayuan. Nasa kabilang street siya, at may kausap na babae.

"Ang putangina sabi nagbago na! Ugh!"

Lumihis ako ng daan upang 'di niya ako makita. May short cut patungo do'n sa lugar na kung saan gusto kong mapag-isa at makapag-relax. Napag-tagumpayan ko iyong pag-tatago sa kanya, hanggang sa marating ko ang lugar na gusto ko.

"Relaxing," Mahina kong wika, at saka naupo sa silyang gawa sa bakal, at may kulay ginto na pinta. Mas gugustuhin ko pang dumito araw araw dahil sa mapayapa ang lugar. Isinandig ko ang aking likod sa sandigan ng silya, at umidlip ng ilang minuto.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako naka-idlip. Naramdaman ko nalang na parang may humihila sa laylayan ng aking damit.

"Pst! Pst! Miss, wake up,"

Boses bata, at lalaki ito. Napa-ngiti ako nang wala sa oras nang naka-bungisngis ang bata.

"Hi?" Umayos ako ng upo, at saka ko siya kinausap na naka-ngiti parin. "How did you know this place?" I ask him immedietly.

"I have feet and eyes to walk and see this place."

"Pilosopo bata. And what is your name?"

Kumunot muna ang noo niya bago niya ako sinagot.

"My Dad said; Don't talk to the strangers."
Tumaas kilay ko sa sinabi niya.
"And also..." Sinipat niya pa ako mula ulo hanggang dulo ng pulang sapatos ko.
"Nevermind." Pagtatapos niya.

Aba! Pilosopo nga ang batang 'to. Sino kaya ang mga magulang niya?

"Arogante."

"I'm not. Sadyang 'di lang talaga kita kilala."

Marunong naman pala magtagalog ang batang 'to.

Akma niya na sana akong tatalikuran nang magtanong ulit ako.

"Anong dahilan mo, at ginising mo ako?"

"Bawal matulog sa public place. Naka-nganga ka pa. Gross!"

What!

Bakit gan'to magsalita ang batang 'to?

"Anong sabi mo—"

"Celtic? Celtic?"

Alcantara Series 6:The Curse of a Playboy(R18+)Where stories live. Discover now