Kabanata 12

1.4K 48 19
                                    

MARGARITA

"Thanks for the night Marga," kaswal ngunit malambing na pagkakasabi ni Nicolo sa akin. Naka-ngiti siya. "Hinding-hindi ko sasayangin ang mga sandaling nakasama kita, at alam kong mauulit pa ito," saka niya ako ginawaran ng halik sa pisngi bago siya lumabas ng pinto ng sasakyan nito.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa kabilang pinto ng sasakyan para pagbuksan ako.

Naka-ngiti siyang inilahad ang kamay sa harap ko para kunin iyon. Simpleng ngiti rin ang ganti ko sa kanya nang makalabas ako. Pantay ang mga tingin namin na para bang may sinasabi roon.

Nangyari ang nangyari na inaasahan ko.  Hindi ko iyon pinag-sisihan at sa aaminin ko, habang tumatagal ay nagugustuhan ko na. Oo, masakit sa umpisa, masarap, nakakabaliw naman kapag sumubra na.

"Nicolo, maraming salamat—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang sinakop niya ulit ang mga labi ko. Sa harapan pa mismo ng pinto ng bahay ko. Tumagal iyon dahil ginantihan ko din. Nakakabaliw.

"Baka gusto ninyo ng kwarto? Ipaghahanda ko kayo, aba!"

Hindi man ako nagulat ay nahiya naman ako ng konte kay Beka. Napakagat labi akong tumingin kay Nicolo na naka-ngiti lang ito.

"Ibabalik ko na si Marga. Walang labis,—"

"Pero may kulang?" Tumaas ang kilay na nakahalukipkip na sabi ni Beka sa gitna nang pagsasalita ni Nicolo.

"Beka, anong pinag-sasabi mo?" Suway ko sa aking kaibigan.

"Cheret! Grabe, 'di mabiro! O siya, mauna na ako sa taas, tutal buo ka pa naman. Thank you Papa Vinz sa pahalik, este sa paghatid sa alaga kong maganda! Ingat sa byahe!"

Iyon nalang at tinalikuran na kami. Sinundan ko pa ng tingin si Beka hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Mapabuntong hininga akong bumaling kay Nicolo.

"Pasensya ka na kay Beka, ganun talaga siya, masanay ka na,"

Tumango siya bilang ganti. Gusto kong iwasan ang mga titig niya subalit sadyang nakakamangha iyon.

"B-bakit?"

Umiling lang siya at saka ngumiti. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang nasa isip niya.

"I'll go ahead," pinisil niya pa ang braso ko saka ginawaran ulit ng halik, pero sa pisngi nalang iyon. "Good night Marga" aniya at tuluyan nang umalis.

"Good night" pahabol kong sabi nang makalabas na ito ng gate.

Napa-buntong hininga nalang ako nang tuluyan siyang nawala sakin paningin. Pumasok na kaagad ako ng bahay at nag-lock ng pinto. Napa-sandal nalang ako sa likod ng pinto sabay hawak ng aking labi.

"Masyado mo naman dina-drama ang pag-alis ni Papa Vinz! Ano, mesherep be?"

Hindi na ako nagulat. Alam kong aabangan talaga ako ni Beka. Oo't umakyat siya pero nang makaalis si Nicolo ay patakbo itong bumaba.

"Beks?" Wika ko saka naupo sa mahabang sofa.

"Ano?! Hindi mo sinasagot ang tanong ko, kaembieryna ka bakla!"

Ayon at kunwari nagtatampo na sakin.

Pinahilig ko muna ang aking ulo sa sandalan ng sofa at saka pumikit saglit. Inaalala ang nangyari kanina.

"Bakla, ano?! Huwag makasarili"

Ang nakakabaliw niyang halik. Mainit na haplos na nag-aalab  sakin balat. Ang mga titig na nakakatunaw at ang presensya na hindi kailanganman makaligtaan. Ang namamaos na ungol sa tuwing bibigkasin ang pangalan ko, at ang walang kasing-sawang mga ngiti na nagdudulot ng kakaiba sakin puso.

Alcantara Series 6:The Curse of a Playboy(R18+)Where stories live. Discover now