Episode 1 (1/4)

707 28 3
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

EPISODE 1 (1/4)

MEW

Isa akong volleyball player ng New Sathorn International School. Dito nagsimula ang kuwento ng buhay ko. Mayroon akong dalawang matalik na kaibigan at volleyball players din sila pareho. Sina Tom at Gab.

VOLLEYBALL SUPERSTARS! Yes! Ganoon kami ituring ng lahat. Bahagi kami ng champion team ng aming paaralan sa loob ng tatlong taon.

Dahil sa volleyball, nakakuha kaming tatlo ng scholarship sa isang sikat na unibersidad sa bansa....ang Assumption University.

Subalit biglang nagbago ang lahat pagkatapos ng championship game ng Interschool Volleyball Tournament kung saan tinanghal kaming champion. Iyon din ang simula ng pagbago ng pagkakaibigan namin ni Tom.

Nanalong best outside hitter si Tom at best setter naman si Gab. Ngunit ako naman ang tinanghal na best opposite spiker, season's MVP at final's MVP. Bagay na sobrang hinangaan ng lahat lalo na ni Peach, ang babaeng nagustuhan ni Tom. Kaya pakiramdam niya, inagawan ko siya at dahil doon nagkalamat ang aming pagkakaibigan.

Simula noon ay iniwasan na niya ako. Hindi na niya ako pinapansin at pinapakitaan niya rin ako ng masama.

Pinilit kong magpaliwanag ngunit di niya ako pinakinggan at sa halip ay nilayuan niya ako ng tuluyan.

Nagtapos kami ng 12th grade nang hindi nagkikibuan. Ako rin ang nanguna sa academic sa aming batch, samantalang pumapangalawa lamang siya sa akin. Halos lahat ng atensiyon at pagbati ay sa akin nakatuon. Bagay na kinainggitan niya ng labis.

Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kahit magkaaway kaming dalawa ay hindi pa rin kami pinaghiwalay nang tumuntong kami ng kolehiyo. Agad kaming kinuha ng Assumption University bilang mga volleyball varsity nito. Volleyball pa rin ang nagtagpo sa aming dalawa. Wala kaming ibang choice dahil ang school na nag offer ng scholarship ay top university sa bansa. Ang maging estudyante ng nasabing unibersidad ay isang malaking oportunidad. At bukod pa roon, pangarap na rin namin na doon mag-aral kahit noong kami ay nasa high school pa lamang.

Dahil pareho kaming magaling sa math, engineering ang aming kinuha, Noong nasa high school pa lang kami ay pangarap na rin naming makapasok sa Faculty of Engineering. Di naging hadlang ang aming alitan para di ituloy ang aming mga pangarap.

Subalit tunay mapagbiro ang kapalaran dahil pati section ay magkasama rin kami.

Oo! Isang section lang kami.....first year engineering class 1.

Yes! Volleyball ang dahilan kung bakit pilit kaming pinagsasama. Volleyball ang dahilan kung bakit kami naging magkaibigan. Volleyball din ang dahilan kung bakit kami nagkaalitan.

Volleyball din ba kaya ang daan ng aming pagkakabati? Well, let us see.

Ito lang ang masasabi ko..... "Ang liit ng mundo para sa aming dalawa."

___________________________________

First day ng klase. Magkasama kaming pumasok ni Gab ng unibersidad. Papasok pa lang kami ng campus nang makita namin si Tom.

"Tom!" tawag ni Gab sa kaniya. Lumapit naman ito sa amin nang makita kami nito.

"Anong section mo, Tom?" bungad na tanong ni Gab paglapit nito sa aming kinaroroonan.

"Class 1, ikaw? mabilis na sagot niya.

"Aww! Classmates pa rin tayong tatlo." si Gab at sabay kaming inakbayan nito.

SET The Series (BL)Where stories live. Discover now