Lumabas na ako sa silid at tinungo ang aking trono. Alam ko naman na hindi pababayaan ni Shia si Dannaya. Si Shia ay bata pa lang na dinala ng isa sa  mga kawal ng aking ama dito sa palasyo at hindi namin alam kung sino mga magulang niya. Nagkakilala kami ng dinala ako sa aking ama dito. Si Dannaya naman. Bakit parang hindi siya yun? Bakit iba ang pintig ng aking puso ng sinubukan ko siyang hawakan? Siya kaya si Dannaya?

"Kawal!!!"- tawag ko dito upang malaman ko kung si Dannaya ba talaga ang aking kasama.

"Kamahalan?"- aniya at yumuko.

"Tanungin mo ang tauhan ko na nagmanman sa palasyo nina Dannaya kung andoon ba ang reyna!"- utos ko dito.

"Masusunod, kamahalan."- aniya at tumalikod na at biglang naglaho.

Hindi ko pa talaga mawari kung bakit nag iba ang tibok ng aking puso. May puso naman ako noh!

'Eury's pov'

Aaminin ko biglang bumilis ang tibok ng aking puso kanina ng masilayan ko ang mukha ni Hades kanina. Napakaamo ng mukha niya.

"Eury, nabasa ko ang mga iniisip mo."- napakurap ako ng marinig ko ang boses ng aking Alpha.

"Queen, patawad po. Estranghero kasi sa akin ang aking naramdaman kanina."- sagot ko dito.

"Huwag kang mag-alala, Eury alam ko na hindi talaga likas na masama si Hades baka mabago pa siya."- aniya sa akin hindi ko naman naintindihan.

"Ahm, Queen may kailangan po ba kayo?"- napabaling kay Shia ang aking mga mata. Kilala siya ni Queen. Bakit kaya siya napunta dito?

"Queen? Ano ang gagawin ko?"- tanong ko.

"Tanongin mo siya kung bakit siya napadpad dito at kung ano ano pa na tungkol sa kanyang sarili."- sabi nito sa akin.

"Shia? Right?"- ani ko sa kanya.

"Opo, Queen."- sagot nito.

"Sino ang mga magulang mo?"- tanong ko sa kanya.

"Ahm hindi ko po sila naalala, Queen. May amnesia daw kasi ako sabi ni King."- nagulat naman ako sa narinig.

"Kinuha ang alala niya panigurado. Pero sino naman kaya ang may pakana?"- si Queen.

"So si Hades na ang nagpalaki sa iyo?"- tanong ko pa.

"Siya ang nagsilbi kong kuya. Ngunit bigla siyang nagbago. Hindi naman siya masama dati. Ang alam ko rin po na hindi talaga siya darkanian."- sagot nito napakunot noo naman ako. Hindi ka ba talaga likas na masama Hades?

"Queen?"- tawag nito sa akin ng matahimik ako.

"Magpahinga muna ako."- sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.

'Stone's pov'

May first pov? Don't know hahaha! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Kung bakit lahat kami ay nandito sa fireperous kingdom. Pero kinabahan ako na hindi ko alam.

"Stone, may sasabihin kami sa iyo."- sabi ni mommy sa akin.

"What is it, mom? Haha kinabahan ata ako."- sabi ko pa ngunit seryoso talaga sila. Shit mas lalo pa ata akong kinabahan.

"M-may kakambal ka."- what?! Parang nabingi ata ako sa aking narinig. Parang may bombang sumabog sa aking tainga.

"W-wait ano nga ulit yun, mom?"- tanong ko ulit.

"May kakambal ka."- ulit ni mom. Hindi naman agad ako naka react.

"What the hell?! At nasaan siya ngayon,mom? Dad? Babae ba? O lalaki?"- tanong ni Kuya.

"It's a girl. And we don't know where she is. She's missing. Naalala niyo ba kung bakit kayo nandoon sa palasyo nina uncle Rey ninyo? Dahil hinanap namin ang kakambal mo, Stone."- paliwanag ni mommy.

"Bakit hindi ko siya maalala?"- mahinang tanong ko.

"Dahil binura namin ang lahat ng alala niyo kay Shiney."- napalingon kaming lahat kay Dad.

"Meaning to say na kilala namin siya, tito?"- tanong ni Icey.

"Yes, and she was your best friend."- sagot ni Dad.

"O my god!"- bulong nito.

"May plano ba kayo na ibalik ang memorya namin sa kanya?"- tanong ko. Kaya pala laging may kulang sa akin na hindi ko mawari dahil may kakambal pala ako.

"Yes. At ngayon namin ibabalik."- sagot ni Tita Thia. May binigkas siyang spell at nagliwanag ang paligid kaya napapikit kami at parang baha na rumaragasa ang mga memorya ng nakaraan na pinagkait nila sa amin. Hanggang sa mawala siya.

"I'm sorry. Magpahinga muna ako."- aniya ko sa kanila. Pigilan sana ako ni mommy ngunit nilampasan ko lang siya.

Pagpasok ko sa kwarto agad akong humiga at pinakawalan ang mga luha na kanina pa nag babadyang umagos.

Patawad kakambal ko hindi kita nailigtas sa kanya...

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Lalo na ang pagkawala niya. Kaya pala may bakod na ang batis na palagi naming tambayan noon at tanging light mages lang ang makapasok dahil doon ka pala nawala mahal kong Shine.

Flash back

Nandito kami ngayon sa batis na lagi naming tambayan. Nag aya kasi ang grupo na maligo.

"Shine, huwag kang lumayo sa amin."- sigaw ko sa aking kakambal ng makita kong hinabol niya ang diwatang paroparo.

"Don't worry, kuya."- aniya pa.

Ilang sandali lang ay umugong ang napakatinis na tinig ni Shiney na sumigaw at humingi ng tulong.

"Kuya Stone, Kuya Blaze, tulong!!!!" - agad naman naming pinuntahan si Shiney ngunit huli na nakapasok na sa portal si Shiney at ang dumukot sa kanya.

"No.no.no. Shine!!!"-susunod sana ako ngunit hinawakan ako ni Kuya Blaze.

"saan ka pupunta?!"- sigaw nito sa akin.

"Kunin ko si Shine! Ayaw kong mawalay siya sa akin!"- sigaw ko kay Kuya.

"Stone, kung susundan mo si Shine ay pareho kayong mawala sa amin."- sabi nito sa akin.

"Kaya bang ayos lang sayo na mawala ang kakambal ko, kuya?!"- sigaw ko kay kuya.

"Hindi, Stone. Kailanman hindi ko hinangad ang bagay na yan."- sabi niya sa akin.

"Kailangan natin na ipaalam kina tita ito."- ani Cristel sa malamig na boses at impit namang umiiyak si Icey.

End of flash back.

Im sorry, twin.

-------------End of chapter 22

Pasensya sa matagal na UD.

Hindi pa ito na edit kaya marami pang typos. Bear with me guys hehehe...

Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now