Kiss The Rain

100K 1.7K 53
                                    

Chapter One

MRS. INGRID LAM.

Sa isip ay paulit-ulit iyong binibigkas ni Ingrid. Sa tagal ng kanyang paghihintay, finally ay matutupad na rin ang matagal na niyang pangarap. Ang maikasal kay Terrence Lam, her one and only true love.

Kahit nag-iisa ay para siyang teenager na kinikilig. Tila nangangarap na pinagsalikop niya ang mga kamay at maligayang napangiti nang tamaan ng liwanag ang malaking butil ng brilyante sa kanyang palasinsingan. She dreamily stared at the five carat diamond. Sa isip ay ini-imagine ang sariling nakasuot ng magandang wedding gown habang naglalakad patungong altar.

Mrs. Ingrid Lam. As soon as Terrence finished all his previous engagements, they will start with the wedding preparations. Iyon ang napagkasunduan nila. Ibig daw nitong maging hands-on sa preparasyon ng sariling kasal. Unlike other grooms na halos ang bride ang kumikilos at nagde-decide ng mga ditalye ay nais daw nitong magkatuwang sila starting day one. At dahil pareho na silang ulila ay sadyang wala silang maaasahang mga magulang para umasiste sa preparasyon.

Her parents died one year ago, two months apart. Her father died of a colon cancer, whereas her mother died of melancholy. Hindi nakayanan ng Mommy niya ang pangungulila. Ang mga parents naman ni Terrence ay sabay na nasawi sa isang vehicular accident noong sampung taong gulang pa lang ito. Kinupkop ito ng mga magulang niya at sabay na halos silang lumaki. Halos magkapatid na nga sila kung pumayag si Terrence na i-adopt ng mga magulang niya. Matalik na magkaibigan kasi ang kanilang mga magulang.

Ngayon niya napag-isip-isip na mabuti na lamang at hindi pumayag si Terrence na ampunin ito ng kanyang mga magulang. Kung nagkataon ay magiging masalimuot pa ang kanilang pagpapakasal.

Kasabay ng kanyang pagdadalaga ay sumibol ang isang mas malalim na damdamin sa puso niya para kay Terrence. Akala niya noong una ay simpleng pagtinging-kapatid lamang ang nararamdaman niya para sa binata komo solong anak lamang siyang paris nito na nasasabik sa isang kapatid. Subalit nang lumaon ay na-realized niyang mas malalim iyon kaysa inaakala niya. When she turned fifteen, nagtapat siya kay Terrence na crush niya ito.

Hindi birong lakas ng loob ang inipon niya upang makapagtapat dito. And fortunately for her, isa itong gentleman. Hindi ito nagtawa o nanamantala sa kanyang kainosentehan. Instead he said, hintayin nilang lumipas ang sampung taon atsaka niya iyon ulitin dito. Bagay na ginawa niya as soon as she turned twenty five. At ang pangyayaring iyon ay may anim na buwan na ang nakalilipas.

She was expecting another let down, but it didn't happen. Kabaliktaran niyon ang nangyari. Dahil sa wakas ay umamin din si Terrence na mahal siya nito. Na kaya lamang nito tinanggihan ang pagtatapat niya noon ay sa kadahilanang masyado pa siyang bata. Magiging hinog sa pilit. Ang isa pa diumanong pinangangambahan ni Terrence ay ang posibilidad na magbago pa ang kanyang damdamin sa paglipas ng panahon. But obviously he was wrong, very wrong. Dahil sa mga sandaling iyon ay suot na niya sa kaliwang palasinsingan ang pruweba na totoo ang naging damdamin niya para rito.

And since she already waited ten years, ayaw na niyang maghintay pa ng mahabang panahon upang makasal kay Terrence. Yaman din lamang na pareho sila ng nararamdaman ay kasehodang siya na rin ang nag-propose. Mabuti na lamang at may taglay na delicadeza si Terrence, ito na ang bumili ng singsing.

Nangingiti siya kapag binabalikan niya ang araw na iyon. He said, he'll buy her an engagement ring bago pa niya maisipang gawin iyon. A week after, he slipped a five-carat diamond ring in her left finger. Isa iyon sa pinaka-memorableng sandali sa buhay niya. At nailalarawang-diwa na niya ang sarili na ikinukuwento iyon sa kanilang magiging mga anak sa hinaharap. 

Sa mga naglalarong imahen sa kanyang isipan ay parang bigla siyang nasabik na makita si Terrence.

Sa mga naglalarong imahen sa kanyang isipan ay parang bigla siyang nasabik na makita si Terrence

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.
Secret Fire (Chains of Passion Book I)Место, где живут истории. Откройте их для себя