Un Homme Et Une Femme

38.9K 1.1K 12
                                    

Chapter Nineteen

"WE are gathered here today, in the presence of these witnesses to join this man and this woman in matrimony..."

"Your hand is shaking," pasimpleng anas ni Ingrid kay Jeri.

"'Course not, you're just imagining it."

Napangiti si Ingrid. Naroroon sila sa sala ng kapatid na judge ng Ninong ni Jeri at kasalukuyang ikinakasal. Saksi sa kanilang pag-iisang dibdib sina Moochie at Anthony. Suot ni Jeri ang isa sa binili niyang suit para rito samantalang siya ay simpleng ivory lace dress na above the knee at mayroong three-fourth sleeve. Naalala pa niya ang papuri ni Moochie, sa lahat daw ng buntis siya pa lang ang nakita nitong sexy. Ngumiti lang siya sa papuri nito. Her groom was also looking exceptionally handsome. At may umaapaw na tuwa sa kanyang puso sa tuwing matatagpuan niya itong nakatitig sa kanya na para bang siya ang pinakamagandang babaing nakita nito. 

"Jeremiah, do you take this woman to be your wedded wife, to live together in the estate of matrimony? To love, to honor and keep her; in sickness and in health, and forsaking all others, keep yourself only unto her, as long as you both shall live?"

Tuwid at taimtim ang tinging ibinigay sa kanya ni Jeri bago ito tumugon. "I do."

"Ingrid, do you take this man to be your wedded husband, to live together in the estate of matrimony? To love, to honor and keep him; in sickness and in health, and forsaking all others, keep yourself only unto him, as long as you both shall live?"

Buong kataimtiman niyang sinalubong ang mga mata ni Jeri, ibig niyang iparating dito na mahal niya ito. Na kaya siya nagpapakasal dito ay sapagkat iniibig niya ito.

"I do."

 "Jeremiah, take Ingrid by the hand and repeat after me," wika ng judge. "I, Jeremiah, take thee Ingrid, to be my wedded wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do us part."

Word for word ay binigkas ni Jeri ang bawat kataga.

"Ingrid, repeat after me--I, Ingrid..."

"I, Ingrid, take thee Jeremiah, to be my wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death do us part."

Despite the fact that it was just a simple civil wedding, damang-dama ni Ingrid ang kataimtiman ng bawat katagang binitiwan nila ni Jeri para sa isa't isa. At nang naroon na sila sa parte ng pagsusuot ng singsing ay hindi niya napigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"With this ring I thee wed, and pledge my faith."

When the judge finally pronounced them as husband and wife ay isang banayad na halik ang iginawad ni Jeri sa kanyang mga labi. Sinalubong sila ng pagbati ng dalawa nilang witness at ng Ninong ni Jeri na naroroon din sa okasyon. 

"Congratulations," bati ni Anthony kay Ingrid. 

For once ay wala siyang nabakas na kapilyuhan sa mga mata nito, mukha itong seryoso. Bagay na labis na nakapagtataka. Dahil bihirang-bihira niya itong makitang seryoso, tuwina'y may pilyong ngiti na nakakabit sa mga labi nito.

"Ahm, have you heard from Terrence?" she asked.

Alam niyang inseparable ang tatlo. They were friends ever since they were little kids. At ayaw niyang nang dahil sa kanya ay masira ang pagkakaibigan ng mga ito.

"No. There is something I think you--"

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ng asawa ko," di-kawasa'y lumapit sa kanila si Jeri. Kaagad na pumulupot ang braso nito sa beywang ni Ingrid.

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt