Because I Love You

72.3K 1.6K 87
                                    

Chapter Thirty

NAPABALIKWAS ng bangon si Jeri. Nagtaka pa siya nang magmulat ng mga mata at makita ang kakaibang hugis ng bintana sa kanyang tabi. Saka niya naalalang wala na nga pala siya sa kanyang tinutuluyang hotel suite. Manapa'y lulan siya ng eroplano.

Nahagod niya ang dibdib. Ang lakas-lakas ng pintig niyon.

Damn it, what is the matter with me?

"Is there anything I can help you with, Sir?" tanong ng stewardess na napadaan sa tapat niya.

"W-water," magaspang at parang nanunuyo ang lalamunan niya. Nang tingnan niya ang kanyang mga kamay ay nanginginig iyon.

Tuksong biglang gumuhit sa isipan ni Jeri ang imahe ni Ingrid. At sa kung anong dahilan ay tila nadoble ang pintig ng kanyang puso.

May nangyari ba sa kanyang asawa? Halos hilahin na niya ang mga sandali upang lumapag na ang sinasakyang eroplano sa NAIA.

I'm coming home, Ingrid. Wait a little bit longer.

Isang habilin ang iniwan ng kanyang ama. Ibig nitong puntahan niya ang kanyang ina. Labag man sa loob niya ay sinunod niya ang habilin ni Saul. Lumipad siya sa Barcelona upang makipagkita kay Merlita. Only to be confronted by his mother's gambling debt. Nalaman niya na nagsimula ng sariling investment ang kanyang ina mula sa salaping nakuha nito sa kanya; subalit naloko ito ng taong pinagkatiwalaan nito. The irony, sa halip na gumawa ng paraan upang makabangon ay nalulong pa ito sa sugal.

May nilagdaang pre-nuptial agreement ang kanyang ina bago ito nakasal kay Saul. Kaya maliban sa maliit na porsiyentong share nito sa Elysian ay wala ito ni isang sentimong nakuha sa asawa nang mamatay ang kanyang ama. Sa manipulasyon ng mga grandparents niya ay limitado ang finances ni Merlita. Bagay na lalong ipinagrebelde ng babae sa mga ito.

Nang sa palagay niya ay matatagalan siya sa Barcelona upang ayusin ang gusot sa buhay ng ina ay nagtungo siya sa Paris, pinuntahan niya si Ophelia. Wala itong hininging anumang paliwanag sa kanya. Gayunpaman sa pakiusap niya ay kaagad itong pumayag na umuwi ng Pilipinas upang samahan si Ingrid.

Wala siyang obligasyong tulungan si Merlita. Iyon ay ayon na rin dito mismo. Ngunit may palagay siyang alam ng kanyang ama ang problema ng babae kaya mahigpit nitong ibinilin na puntahan niya ang kanyang ina. At bagaman wala itong sinabi na tulungan niya ang huli, somehow he knew na gagawin niya ang nararapat.

Matapos niyang maayos ang gusot sa buhay ni Merlita ay tinanong niya ito kung bakit nagawa pa rin nitong pagtaksilan ang kanyang ama sa kabila ng lahat ng kabutihang ginawa rito ni Saul. Ang sagot nito ay simple lang.

"Nagmahal ako."

He was dumbfounded after hearing that.

"I know it sounds foolish, stupid, even. At marahil ay hindi ka sasang-ayon sa akin. Pero ang taong iyon, ang iyong--" she stopped in mid-sentence bago pa nito makumpleto ang mga pangungusap. "Buweno, siya ang buhay ko. Without him, I'm nothing. I am just a vessel without a soul."

"Is that why you hated Dad--and me? We're both responsible for his death, after all."

"Yes."

Hindi na siya nagulat sa sagot nito. Deep down, he doesn't give a damn anymore. Hindi na rin siya galit. Pagod na siyang makaramdam ng anupamang klase ng emosyon pagdating dito.

Walang salitang tumalikod na siya. Iyon na marahil ang huling pagkakataong magkikita sila. Nakakalungkot isipin, ngunit ang kanyang ina ay katulad ng isang magandang marble statue. Perpekto ang pagkaka-ukit subalit malamig at matigas. He was cut from the same cloth. Subalit hindi siya tutulad dito, hindi niya sasaktan ang mga tao sa paligid niya. Lalo na ang mga taong mahal niya.

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon