Beloved

38.6K 1.1K 19
                                    

Chapter Twenty Nine

HINAGOD ni Ingrid ang kaumbukan ng kanyang tiyan. Maikling panahon na lang ang ipaghihintay niya at isisilang na niya ang kanilang panganay na anak. Napatingala siya sa papawirin nang may dumaang eroplano. Parang mumunting mga alitaptap iyon na kumikislap sa madilim na kalangitan.

Mula nang umalis si Jeri, may isang linggo na ang nakakaraan ay naging paborito na niyang lugar ang tabi ng bintana kung saan parati niya itong nakikitang nakatayo kapag may malalim na iniisip. Kitang-kita mula roon ang buong skyline. And staring at the never-ending horizon was sort of relaxing, maliwanag man ang langit o madilim. Hindi nakapagtataka kung bakit nakagawian ng asawa niya ang tumayo roon habang nagmumuni-muni.

Every now and then ay bumibisita si Moochie upang libangin siya. Bagay na labis niyang ipinagpapasalamat sa kaibigan. Dahil kahit sandali, kapag kausap niya ito ay hindi niya masyadong naiisip ang kanyang asawa.

Habang papalapit ang kanyang kabuwanan ay tila pabigat nang pabigat ang kanyang pakiramdam, hirap na siyang kumilos. Limitado na rin ang mga activities na maaari niyang gawin. Sa halip na magpinta kapag naiinip ay pawang pencil sketches lamang muna ang pinagkakaabalahan niya.

Ikalawang linggo mula nang umalis si Jeri ay dumating ang kanyang Ninang Ophelia.

"I am so glad you're here," ang makita ang taong itinuturing na niyang ikalawang ina ay nagpagaan ng pakiramdam niya. Dahil sa totoo lang ay natatakot din siyang harapin iyon nang mag-isa.

And missing Jeri with each passing day is not doing her good, either.

"Ang totoo n'yan ay personal akong pinuntahan ni Jeri."

"H-ho?"

"Hiniling niya sa aking alalayan kita habang wala siya sa tabi mo."

"R-really?" kung matutuwa o malulungkot ay hindi niya alam. Bakit kailangan pa nitong makiusap sa iba gayong maaari naman nitong gawin iyon para sa kanya--para sa kanila ng batang isisilang niya?

"May problema ba kayong mag-asawa?" wari'y naninimbang na tanong ng kanyang Ninang Ophelia.

Saglit na hindi nakatugon si Ingrid. Ngunit sa huli ay naisip niyang sabihin na lamang dito ang totoo.

"Oh, I see; but the circumstances of his birth was not exactly his fault."

"Iyon din ang sabi ko, Ninang. Mahal ko siya at balewala sa akin anuman ang pinanggalingan niya."

"When a child gets a scar, it heals with time. However, its different with an adult. Kapag sila'y nasusugatan, hindi lang pilat ang naiiwan. Kasama din niyong naiiwan ang lahat ng sakit at pait. In Jeri's case, he was exposed to ridicule and animosity during and after his formative years. Nang matagpuan niya sa wakas ang isang taong nakahandang yakapin ang lahat sa kanya--his scars and his not-so-appealing family background--bigla siyang natakot. Do you know why?"

"W-why?"

"Because he loves you too much."

"W-what?"

"Kapag labis nating mahal ang isang tao parati tayong may agam-agam na masaktan sila."

"H-hindi ko kayo maintindihan."

"Of course, this is just my own assumption. Pero ganoon naman talaga kapag nagmamahal tayo, di ba? Parating may kakambal na takot. Takot na masaktan natin ang mga taong mahalaga sa atin and eventually...lose them."

"Imposibleng mangyari ang kinatatakutan niya. He's...he's everything to me, sila at ang magiging anak namin ang pinaka-importante ngayon sa buhay ko," napahikbi siya sa huling bahagi.

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Where stories live. Discover now