Shining Smile

37.3K 1.1K 11
                                    

Chapter Eighteen

"I THINK its a boy," bakas sa mukha ni Jeri ang excitement habang nakatingin sa monitor.

Napangiti si Ingrid. Pareho silang nakatingin sa monitor. Nakahiga siya sa consultation table, nakahawak ang kamay nito sa kanya habang isinasagawa ng babaing radiologist ang ultrasound. At bagaman wala pa namang sinasabi ang radiologist ay parang gusto na nitong pangunahan ang resulta.

"It's a boy. By twenty weeks, the accuracy of ultrasound regarding your baby's sex is ninety-nine point nine percent accurate," nakangiting saad ng babae bilang kumpirmasyon sa sinabi ng nobyo.

"I told you," buong pagmamagaling na wika ni Jeri, obviously proud that they're having a baby boy.

So far ay mukhang healthy naman ang kanilang anak. Iyon nga lang, talaga yatang may pagka-acrobatic  ito. Dahil maging sa ultrasound ay kitang-kita nila kung gaano ito kalikot.

Inalalayan siya ni Jeri nang bumaba siya sa consultation table pagkatapos.

"Thank you," buong suyong sabi nito matapos siyang hagkan sa noo.

"For giving you a baby boy?" aniyang nakatingin dito.

"For giving you a baby boy?" aniyang nakatingin dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"That and more."

Kung anuman iyong more ay tila ay hindi pa ito handang isiwalat sa kanya. Pero ayos lang iyon, sapagkat nakahanda naman siyang maghintay.

Nang ibigay kay Jeri ang resulta ng ultrasound ay matamang pinagmasdan nito ang kauna-unahang larawan ng kanilang anak.

"He's beautiful," wika nitong may malawak na ngiti sa mga labi.

"I know."

"Puwede na tayong mamili ng mga gamit niya."

"You're right. Pag-isipan na rin natin kung ano ang magandang pangalan."

"Ayaw ko ng masyadong palasak na pangalan."

Natawa siya sa sinabi nito.

"So, ayaw mo ng Junior?" pabirong tanong niya nang hawakan nito ang kanyang kamay.

"Uh-uh," bahagya pa itong ngumiwi na ikinatawa niya.

They went to the mall. Pumasok sila ng Goldilocks dahil natatakam siyang kumain ng puto at dinuguan.

"How about Liam?" he asked sa pagitan ng pagsubo sa kanya ng puto.

"As in Liam Neeson, the actor?"

"Uh-huh. He's Dad's favorite actor, by the way."

"Hmn, I dunno. Mag-isip ka pa ng iba. Pero ilista mo na rin 'yan sa mga pagpipilian."

"Okay, noted."

"Maverick."

"A free spirit? Jeremiah plus Ingrid equals Maverick?" pumikit ang isang mata nito na para itong biglang naasiman ang panlasa.

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Where stories live. Discover now