Words

33.3K 1K 7
                                    

Chapter Twenty Three

"GUSTO mo bang bumalik sa villa?"

Napaangat ang tingin ni Ingrid mula sa kanyang kinakain sa walang abog na tanong ni Jeri. Magkasalo sila nitong nag-aagahan. Mabigat ang loob niya nang bumangon. At marahil dama rin ng kanyang asawa na may hinampo siya rito. Kibuin-dili niya kasi ito. Hindi rin siya sumabay rito paliligo kaparis ng madalas nilang gawin sa mga nakalipas na araw. Sa halip ay bumaba na siya upang tingnan kung ano ang kanilang agahan.

"Sabi mo, gusto mo ro'n, di ba? Kung gusto mo, doon na muna tayo hanggang sa makapanganak ka?"

"Paano ang trabaho mo sa hotel?"

"May sariling chopper ang Elysian, puwede kong gamitin iyon anumang oras."

Saglit niyang pinag-isipan ang sinabi nito. Parang bitin nga ang mga araw na ipinamalagi nila roon. At sa totoo lang nang araw na umalis sila ay mabigat ang loob niya. Gusto pa niyang mag-extend sila. Kaso ay ayaw naman niyang matambakan ng trabaho ang kanyang asawa kahit sabihin pang ito ang boss.

"Okay. Kelan tayo aalis?" excited niyang tanong.

"Tomorrow."

"Great. I'll bring some materials to work on habang ika'y nasa office."

"Ikaw ang bahala. Kung gusto mo ay magpapadala na ako ng tao para maihatid na roon ang iba mong mga gamit. Maraming bakanteng kuwarto sa villa na puwedeng i-convert sa isang painting studio."

"That would be great, thanks."

"That's your house, too. Kung may gusto kang baguhin feel free to do whatever you like. Walang pipigil sa'yo."

"Now that you mention it, gusto kong i-convert 'yong malapit na kuwarto sa master's bedroom into a nursery room."

"Good idea," mukhang natuwa nga si Jeri sa kanyang sinabi. "Pero tiyakin mong hindi ka masyadong mapapagod."

"Don't worry, mag-iingat ako," magana niyang ipinagpatuloy ang pagkain.

Matapos mag-agahan ay inihatid niya hanggang kotse ang asawa at hinagkan ito bago umalis. Hindi pa natatagalang umalis si Jeri ay tinawagan niya si Moochie, yayayain niya sana itong mag-shopping. Ngunit busy ang kaibigan niya. May dadaluhan diumano itong family affair kasama ng asawa.

Sa kawalan ng magagawa ay nag-browse na lamang siya sa net ng design ideas para sa baby room. May ilang sandaling naging okupado ang isipan niya. Bigla rin siyang nasabik na masimulan na ang proyekto sa pag-aayos ng nursery room.

Engrossed na engrossed siya sa ginagawa nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello," nasa monitor ng kanyang laptop ang atensyon ni Ingrid nang sagutin ang tumatawag.

"Hello, Mrs. Jeremiah del Prado."

Natigilan siya. Puno ng pang-uuyam ang tinig ng nasa kabilang linya. At halos nahuhulaan na niya kung sino ito. Si Belinda.

Pinilit niyang magpakahinahon sa kabila ng pag-usbong ng iritasyon.

"What do you want, Belinda?"

"Looks like I made quite an impression, natandaan mo kaagad ako."

"Sinong esposa ang makakalimot sa babaing gustong angkinin ang kanyang esposo."

"Correction, he was mine."

"Correction, he was never yours, so get over it."

"My, aren't we being bitchy here?"

Natawa si Ingrid sa tinuran ng kausap, mapakla. "Ikaw itong tatawag sa akin at sisirain ang araw ko, tapos ako ang tatawagin mo ng ganyan? Grow up, Belinda. You should start acting your age. Dapat mo ring matutunang pahalagahan ang mga magulang mo dahil matatanda na sila."

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon