Love Hurts

32.8K 1K 7
                                    

Chapter Twenty Five

GALING sa chapel ng ospital si Ingrid nang paglabas niya ng elevator ay makita niyang nagkakagulo ang mga doktor sa labas ng kinaroroonang silid ng Papa ni Jeri. Pamilyar ang tanawing iyon sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng deja vu. Binalot siya ng malamig at nakapanlalambot na pakiramdam. Nagsimula siyang humakbang ngunit parang biglang nanlambot ang kanyang mga binti.

Where is Jeri? Ayos lang kaya siya?

Sa wakas ay humupa ang daloy ng mga naglalabas-masok na mga manggagamot sa silid. She saw the resigned expression on their faces. At halos nahuhulaan na niya kung bakit. Pumasok siya sa loob ng silid. Naroroon si Belinda at ang mga magulang nito. Si Jeri ay nakita niyang nakayupyop sa gilid ng hospital's bed, sa tabi ng ama nito na wala ng buhay. Nang makita niya ang banayad na pag-alog ng mga balikat ng kanyang asawa ay kusa na ring bumalong ang kanyang mga luha.

Gusto niyang abutin si Jeri, ang ipadama rito na naroroon lang siya upang damayan ito. Ngunit alam niyang sa pagkakataong iyon ay kalabisan ang presensya ng kahit na sino sa paligid nito. Nakita niyang naglabasan ang lahat ng tao sa silid at hinayaan itong mapag-isa. Tahimik siyang sumunod at marahang kinabig ang pinto.

She was in pain, too. Higit kanino man ay alam na alam niya kung ano ang pakiramdam nang maulila sa isang magulang. At ang katotohanang wala siyang magagawa upang mapagaan ang dinadala nito ay lalong nakadaragdag sa pagsisikip ng dibdib niya.

"Ingrid."

Pinanlalabo pa ng luha ang kanyang mga mata nang mag-angat siya ng tingin. Nang makita niya ang isang pamilyar na mukha sa kanyang harapan ay lalong bumuhos ang kanyang mga luha.

"Terrence."

"Kumusta ka na?"

Gusto niyang sumagot na ayos lang siya ngunit nangatal ang kanyang mga labi at impit siyang napahikbi. Banayad siyang hinigit ni Terrence at niyakap. Napahagulhol siya ng iyak sa dibdib nito. 

Umiiyak siya sa dalawang dahilan: ang kamatayan ng ama ni Jeri at ang malubhang sakit na taglay ni Terrence. The future looks bleak. Bakit nangyayari ang lahat ng iyon sa buhay nila? 

Bigla siyang nakaramdam ng panlalata. Mahigpit siyang napakapit kay Terrence nang umikot ang kanyang paningin.

"H-hey...! Ingrid?"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "I-I'm okay. Nalipasan lang siguro ako ng gutom."

"Damn it. You're pregnant, hindi mo dapat pinababayaan ang sarili mo."

Malungkot siyang napangiti. So typical of Terrence, always the worrier. 

"Come, let's get you something to eat," halos buhatin siya nito patungo sa direksyon ng elevator.

"Si Jeri," nag-aalalang lumingon siya sa pinanggalingang silid.

"Huwag kang mag-alala sa kanya. I'm sure malalampasan niya rin ito. Let's give him sometime alone with his father."

Dinala siya ni Terrence sa cafeteria ng ospital. Ito na rin ang kumuha ng makakain para sa kanya. Nang simulan siya nitong pagsilbihan sa pagkain ay nag-init na naman ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya mapigilang gunitain ang dati nilang magandang samahan noong mga bata pa sila.

"I've missed you, Big Bear." 

Napangiti sa kanya si Terrence."Me, too, Princess...me, too."

"Sinabi na sa akin ni Tony ang lahat."

Nakita niya ang pag-iwas nito ng tingin.

"What happened that day was not part of the plan," malungkot na sabi nito.

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Where stories live. Discover now