"Nanganak na si Jay-jay. Hindi na ako ang baby niya." Sabi ni Ci-N na nagpupunas ng pekeng luha.

Sinong nanganak?

Binatukan siya ni Calix. "Paano manganganak si Jay-jay kung hindi pa naman siya nabubuntis?"

Napangiwi ako. Andito na pala ang mga Ulupong at kumpleto sila. Kasama nila si Yuri na mukang maayos naman ang itsura.

Napatingin ako kay Keifer na simpleng nakangiti sakin habang parang may malalim iniisip. Napairap ako sa kaniya at agad tinignan si Yuri na nakasandal sa pader. Tipid na ngiti lang ang binigay niya sakin.

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa ngiti niya na yon. Mas gusto ko talaga kung magkaka-usap kami ng mas matagal.

Ang mga Ulupong naman ang binalingan ko. Kita ko ang excitement ng mga luko sa hawak kong baby pero kinailangan ko na siyang ibaba dahil sa pagkangawit. Binalik ko siya sa crib sa ilalim ng lamp. Agad siyang nilapitan ng mga future Ninong niya.

"Kamuka ni Denzel. Tapos na!" Komento ni Eren at nagtawanan kami.

"Baby! Wag kang lalaking maldita." Sabi ni Mayo at binato siya ni Grace ng unan.

"Pagnaglakad ka na, laro tayo. Marami akong laruan." Sabi ni Ci.

"Asan pusta mo Drew? Panalo ako! Babae anak nila!" Sabi ni Rory at parang bula na naglaho si Drew.

"Mas kamuka niya si Grace." Mahinahong sabi ni Josh.

"Hindi ko makita, lukot pa ang muka eh." Sagot ni Edrix at mahinang natawa ang iba.

"Sana ganito din ka-cute ang magiging anak namin ni Mica." Matamis na sabi ni Calix.

"Anakan na yan." Pang-aasar ni Eman at agad naman siyang hinampas ni Calix.

Matapos asarin ang isa't-isa binalikan nila si Grazel Jay at kinausap.

"Pagnagsalita ka, wag kang magmumura." Bilin ni Felix sa baby at tumingin sila sakin.

Nawala ang ngiti ko kanina habang tinitignan sila. Inirapan ko naman sila bilang sagot at agad na nakakuha ng tawanan.

"Wag ka rin sanang maging matakaw." Dagdag ni Eman at lalong lumakas ang tawanan nila.

"Hoy! Hindi ako ang Nanay niyan kaya bakit puro ganyan ang bilin niyo?" Inis na sabi ko.

"Baka mahawa sayo. Ang tagal mo siyang buhat." Sagot ni Blaster at inambaan ko siya ng batok.

Nauwi sa asaran ang dapat sana ay pagdalaw nila sa mag-ina. Napilitan nga lang silang lumabas agad dahil pinagbawalan ng nurse ang maraming bisita. Bukod don kailangan na din ni Grace na padedehen si Grazel kaya agad silang nagtakbuhan paalis.

"Labas muna kami." Paalam ni Keifer at Yuri.

Hindi rin naman ako nagtagal at nagpaalam na din sa kanila. Humingi ulit ako ng sorry sa nangyari pero pagpapapsalamat ang paulit-ulit kong natanggap galing sa kanila.

Pagsara ng pinto napa-buga ako ng hangin. Nakaraos na din sa problema sa panganganak ni Grace. Buong akala ko talaga malilintikan ako kay Denzel.

Pero hindi dapat ako pakampante. Sa susunod talaga kaylangan ko nang maging maingat. Buhay ng mag-ina ang nalagay sa kapahamakan dahil sa katigasan ng ulo ko.

"What are you thinking?" Tanong ng kung sino na kinagulat ko.

Anak ng pitungput puting tupa naman!

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon