Chapter 354

465K 20.6K 54.9K
                                    

A/N: Maraming salamat sa paghihintay.

AMNSE Advance chapter is now available on Patreon.

Meron na din po akong YouTube Channel. Sana support niyo din.

 Sana support niyo din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

To be or not to be

Jay-jay's POV

"Jay..." Mabagal na tawag ni Kuya na may pagbabanta.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagtitig sa babaeng pula ang buhok. Muka kasi siyang timang sa pag-aasikaso kay Yuri, samantalang takang-taka naman sa kanya tong isa.

"Kukuhanin ko pagkain mo." Banta ni Kuya kaya mabilis ko siyang hinarap. "Tigilan mo nga ang pagtitig sa kanila."

"Kilala mo ba yang babae na yan?" Halos pabulong kong tanong.

Umiling siya. "Never seen her before."

Nagsisimula na kong maintriga sa kanya dahil sa mga kinikilos niya. Idagdag pang kanina lang namin siya official na nakilala. Ang hindi ko lang maintindihan, eh kung bakit nasa bahay siya ni Yuri kanina at nakikipagbanatan sakin. Buong akala ko talaga kalaban siya pero sa paraan ngayon kung todo asikaso siya sa kapwa pula ang buhok.

Nagsisimula na kong mailang sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit hindi siya mawala sa isip ko. Habang abala sila sa kanya-kanyang pagkain at usapan, panay ang lagay ni Keifer pagkain sa plato ko.

"Hoy! Hindi ko mauubos yan!" Inis na sabi ko.

"Akala mo lang yon." Sabi niya at nilagyan pa ko ng kanin.

Ngumiti pa siya sakin bago pagtuunan ng pansin ang nasa plato niya. Sandali akong napatingin sa babaeng pula ang buhok ng mapansin ko ang pagtitig niya sakin at kay Keifer.

Humarap siya kay Yuri at merong sinabi sa salitang hapon. Mukang meron siyang tinanong.

Awkward na tumingin samin si Yuri bago sagutin ang kaharap. "You can ask them."

Tinignan niya kami pareho ng Hari. Puno ng kuryosidad ang itsura niya. Hindi ko maiwasang kabahan. Ang lakas maka-intriga ng iniisip niya samin.

"Are you two dating?"

Whut?

Agad akong sumagot dahil may hinala na ko sa isasagot ng Hari.

"No."

"Yes."

Sabay naming bitaw at hindi nga ako nagkamali. Narinig ko ang malutong na mura ni Kuya Angelo sa tabi ko. Bahagya namang tumawa si Sir at Ma'am.

"Jay!" Tawag sakin ni Kuya at agad akong umiling sa kanya.

"Hindi ah! Pinagti-tripan lang tayo ni Keifer!"

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon