Chapter 288

508K 18.2K 21.3K
                                    

A/N: yes! Malapit na POV ni Jay-jay.

Kuya

Keifer's POV

Nakapasan sa likod ko si Keiren habang pababa kami ng eroplano. Tulog na tulog dahil na rin siguro sa haba ng byahe. Madaling araw na din kami nakarating sa Pilipinas.

As expected, naka-abang na ang susundo samin. Nakasandal sa kotse nya, cross arm while creasing his forehead. Lumapit ako sa kanya.

"How long have you been waiting?" I ask him.

Tiger looks at me. "Kalahating oras siguro." He yawn and didn't bother to cover his mouth.

Binuksan nya ang backseat door ng kotse nyang kulay dilaw at tinulungan akong isakay si Keiren. Pagsara nya ng pinto napansin ko ang pagtingin nya sa eroplanong pinanggalingan ko.

Lumingon din ako at nakita ko ang flight stewardess na pababa ng eroplano. Dala nya ang mga gamit namin na nakalimutan ko pala. Nahilamos ko ang muka ko gamit ang kamay ko.

Damn this woman.

Tumatalbog kasi ang dibdib nya sa bawat hakbang nya.

"Mr Watson. You forgot this." She said in a sweet voice.

Kinuha ko ang mga gamit at nilagay sa loob ng kotse. Napansin ko ang malawak na ngiti ni Tiger. Mukang nawala ang antok nya ng makita ang stewardess.

"Hi Miss." Bati nya at kumaway naman ang babae pabalik sa kanya.

I rolled my eyes. Ang dali talaga nyang makapang-akit ng lalaki. Abot-abot ang pagdarasal ko sa buong byahe namin. Lahat na ng santo tinawag ko at kahit hindi ako relihiyoso, nadasal ko yata lahat ng uri ng dasal.

I belong only to Jay-jay. Sya lang ang pwedeng humawak sa katawan ko at kanya lang ang buong pagkatao ko. Natutukso ako dahil lalaki ako pero kaya kong labanan yon.

"Chicks yan." Tiger said and look at me while wiggling his eyebrows. "Ano ginawa nyo sa buong byahe?"

"Natulog." I answered before getting inside his car.

Napatanga ako sa mga kolorete ng sasakyan nya. His wheel are covered with yellow fur. The dashboard has the same texture but has a different design. Still has the touch of yellow. Ang sakit sa ulo tignan ng interior nya. Head pillows are yellow head the eyes and taik of a pokemon.

I think this is pikachu.

Sumakay na din si Tiger sa kotse nya. Malapad ang ngiti nya habang nagmamaneho.

"Wala talaga kayong ginawa nung babae? Sayang yon."

"Mas malaki ang panghihinayangan ko kapag pinatulan ko yon."

He shook his head. "Bakit ba nag-ta-tyaga ka dun sa pinsan ni Angelo?"

"Excuse me?"

"No offense. Marami namang mas maganda don tapos mas babaeng-babae pa."

"Babae si Jay-jay." I said as I cross my arms. "Maybe boyish but still a woman."

"Tomboy yon."

"No she's not."

"Tomboy nga yon!"

"She is not."

"Tomboy sinabi yon!"

What the...

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon