NYOWL - 30 ☆

889 24 1
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

30th Episode 

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────




Inna's POV



Walang katao-tao sa hall papunta sa theater sa loob ng Academy. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko nang tumapat ako sa double doors. Si Cody. Narito si Cody. Kailangan niya akong makausap. Huminga ako nang malalim. At pumasok sa loob ng theater.

May isang malawak na aisle at parang sa sinehan ang mga upuan. Sa harap ko, ang malaking stage. May spotlight na nakatutok sa isang lalaking naka-puting polo. Nakatagilid siya at nang tumingin siya sakin, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Agad akong pumunta sa stage at umakyat dito.

"Inna," bati ni Cody. Hindi mapakali ang puso ko. Parang may iba akong kutob.

"Cody," sagot ko. "Anong ginagawa natin dito?"

Huminga siya nang malalim at ginulo ang buhok nya. "Gusto ko lang malaman mo na. . .Lahat ng sinabi ko sayo tungkol kahapon ay totoo."

Sa kasal. Tungkol sa pagba-back out nya sa kasal.

"And I really didn't lie to you. I. . . told my Dad last night. Sinabi kong magba-back out na ako sa kasal. Na ayoko nang ituloy 'to dahil kay Sandy."

Tumingin siya sa mga mata ko, nagbabadya ang mga luha. 

"But—"

"No," mabilis kong bulong. "Please, no. . . Don't tell me. Don't tell me—"

"I can't back out, princess," sabi niya, at lumapit sakin. Trying to take my hand pero binawi ko yun. "I don't have a choice."

"No!!" sigaw ko, tumutulo ang mga luha ko.  "You told me! You told me na hindi na matutuloy ang kasal na 'to diba?! I believed in you!! I—"  Pano na si Jason? Pano na siya. . . Pano na kami? Pano na ang happy ever after namin? Pano na. . .

"Please listen to me... Kahit ako nahihirapan, okay? I promised Sandy. Sabi ko magkakasama na kami after nito. Pero binantaan ako ni Dad kagabi. Ilalayo niya ako kay Sandy kapag hindi ko 'to tinuloy kaya—"

"Kaya ano?! Kaya pipilitin mo ko dito?!"

"We don't have a choice!"

"We have a choice!" sigaw ko. "We always have a choice!"

Gusto kong matawa kasi nasasabi ko yon nang ganun kadali. Pero ako mismo, nagda-doubt sa sinabi ko. Dahil ayoko lang paniwalaan si Cody. Ayokong paniwalaan na wala kaming choice.

"Don't do this to me, please." Kinuha ni Cody ang isang kamay ko at dinikit yun sa noo niya. Umiiyak. "I can't- I can't live without Sandy. Please."

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon