NYOWL - 25 ☆

1.2K 31 1
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

25th Episode

[ MacJul Sidestory Pt. 3 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Macky's POV


Napakaliwanag na nang magising ako. Malambot na kama. Waaa~ ^__^ Ang sarap pang matulog. Teka five minutes pa. At ang lamig. . .Malamig.

May malapit sa balat ko na mainit. Maligamgam. Niyakap ko. Wow~ Ang sarap sa pakiramdam.

"Hmmm~" ang bango. Unan? Unan ba 'to. . .

Gumalaw ang niyayakap ko at nag-snuggle sakin. Nilalamig din ata siya, yung niyayakap ko. Dumilat ako nang kaunti. Isang alarm clock ang bumati sakin. 10:03 A.M. na.

Teka- Dapat nasa office na ako ah.

At. . . may buhok. May mahabang buhok na brown at naisip ko kung overnight humaba ang buhok ko nang ganito.

Pero. . .

Pero pagtingin ko sa niyayakap ko, nakita ko ang brown na mga mata ng isang babaeng nakatitig sa'kin na parang confused.

Si Julie.

Wait. Julie?

Si Julie ang-

"AAAAAAAAHHHHH!" sigaw niya. Gumulong siya sa left side.

"AAAAAAAAAAHHHH!!!" sigaw ko. Gumulong ako sa right side.

Nakatayo kami sa either side ng kama.

"Anong nangyayare?! Anong nangyayare?!!" --Julie

"MALAY KO!!"--Ako

"Anong malay mo?! HALAY!! Hinalay mo ko!!!"

"Ba't naman kita hahalayin!!"

"OMG HELLO 911-"

"Hindi nga kita hinalay!!! Kung hinalay kita, bakit suot pa rin natin ang underwear natin?!"

"YUN NA NGA EH!! Bakit naka-UNDERWEAR lang tayo?!"

Hindi ako nakasagot.

"MAPAPATAY KITA!!! Ughhh!" nag-cross over siya sa kama at tumakbo naman ako sa kabilang side. Dumukot siya ng unan at binato sakin.

"Teka! *ilag* Huminahon ka nga! *ilag sa lamp* Positive akong walang nangyare satin kagabi! *ilag sa cellphone* Tsaka bago ka magbintang- *ilag sa bag* BAKIT TAYO NASA CONDO MO, ABER?!"

Tapos natigilan siya mid-air na babatuhin pa sana ako ng gunting. Diyos ko po >__<

Nagcross ako ng arms. "Well? For all I know, BAKA IKAW ang nagplano nito na dalhin ako sa condo mo at halayin ako!"

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon