NYOWL - 9 ☆

1.7K 50 576
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

9th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Jason's POV



"AMI!!!" sigaw ko. 

Nagmamadali syang pumunta sa sala. 

"AMI!! WALA NA BANG ITATAGAL YAN?!"

"B-Bakit ba? Andito na ako ohh," sabi niya.

"IPAGLUTO MO KO NG OMELETTE. GUSTO KO WELL DONE. HALF-COOKED ANG CARROTS AT ISANG PINCH LANG NG SALT!! PATI KAPE!! KELANGAN KO NG KAPE!! TWO TEASPOONS LANG NG CREAMER!! ISANG TEASPOON NG SUGAR AT TOASTED BREAD!! ONE MINUTE AND THIR—"

"TEKA WAIT LANG!" sigaw ni Ami.

"Oh baket?!"

"Baka mamemorize ko yan?!"

"Dapat lang. MAID KITA. Yon ang trabaho mo."

"Eh hindi ako marunong magluto-"

"What!?"

"Er... tsaka, basa pa yung manicure ko-" Pinakita nya sakin yung red nyang mga kuko.

"GUSTO MO MABAHIRAN NG DUGO MO YANG KUKO MO PARA MAGING RED LALO?!"

"Ano bang meron at badtrip ka ha?!" sigaw ni Ami.

"....."

"Oh ano?! Ano ba kasing problema?! Wag mo nga ko pagbuntungan ng galit?!"

"Psh. SUHO!! HOY SUHOOOOOOO!" sigaw ko nanaman.

"S-Sir Jason?" pababa siya ng hagdan. At ayon, inulit ko yung utos ko kay Suho. At siya ang gumawa nung mga pinagagawa ko. -___-

Si Ami naman, umupo sa harap ko. Tinitigan niya akong mabuti. Nung una, di ko na lang sya pinansin. Pero di ko kinaya. "May balak ka bang tunawin ako sa titig?! Pwes, hindi ako matutunaw kahit anong gawin mo okey? -__-"

"Baket?! Sinabi ko bang yun ang gusto ko?!"

"Eh baket ganyan ka makatitig?!"

"May problema ka sa lovelife no?!" nakangiti nyang tanong.

"B-Bakit mo naman—"

"Eh kasi ganyan din si Cue netong mga nakaraang araw eh. Tulala. Mainit ulo. Moody. Tapos ang lalim ng iniisip."

Aba at kinompare pa ako kay Cue!! -____-  "Hay nako! Ang chismosa mo. Magpatuyo ka na nga ng kuko mo bago ko yan bahiran ng dugo."

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon