NYOWL - 54 ☆

828 27 0
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

54th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Inna's POV



Napatakip ako ng bibig habang papalapit sa babaeng nakahiga sa kama. Bakit. . . Hindi ko talaga maintindihan. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nasa coma?

Bakit nandito si Ami?!

"Ami. . ." Hinawakan ni Suho ang kamay ng babae. "I-Ikaw ba talaga yan?"

"Suho," nanginginig kong tawag. "Siya ba si Ami?"

Tahimik na tumango si Suho.

Natakot ako. Kung siya talaga si Ami. . . at halos isang taon na siyang andito, edi sino yung nakasama naming Ami?! 

And more importantly-

Si Ami ang kasama ni Jason nang maaksidente?!





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Ami's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Nang dumilat ako, nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Aiishhh! -__-  Nauntog pa ata ako. 

Ehhh?? O____O

Si Jason, nakita kong umiiyak. Tapos may binubulong siya sa sarili niya.

"A-Ako. . . ako ang pumatay- Ako ang may kasalanan. . ."

"Jason?" Tumayo ako nang tumayo siya. "Jason, anong-" 

Ni-reach out ko ang kamay ko sa kanya para hawakan siya pero-

Huh?

Tumagos lang ang kamay ko sa kanya.  

Bakit. . .?

"Jason!" sigaw ko.

Pero wala siyang marinig. Sinasabunutan niya ang sarili niya at parang nababaliw. Patuloy pa din siya sa pag-iyak at pagbulong.

"Jason, nandito ako!" Pero nagulat na lang ako nang tumakbo siya palayo sakin. "Jason!"

Ano bang nangyayari?!

Tiningnan ko ang mga kamay ko. 

Para akong nagfe-fade. O____O

Bakit?! 





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Macky's POV

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon