NYOWL - 16 ☆

1.6K 50 6
                                    




note: nangyare po ang chapter na 'to sa gabi na dinala niCue si Kyla sa mansyon [Kye Sidestory Pt. 2]


triggers: some blood and minor gore lol





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

16th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Jason's POV


Matama ko silang tinitigan isa-isa. "TAAS PA." 

Si Suho, Macky at Ami ay nakaluhod at itinaas pa ang bawat braso sa ere. Mangawit sila dyan!!! -___-

"P-Pwede bang tama na, Sir Jason? Nangangawit na ko," sabi ni Macky.

"Hindi nyo yan ibababa hangga't walang nagsasalita sa inyo kung bakit bigla kayong nagalit sakin -___-"

"Pero kasi—"

"TAAS!!"

Mas lalo pa nila tinaas.

"Hindi nyo ba alam kung gaano ako naging dumbfounded kanina!? Pagkatapos nyong magwalk-out na parang wala lang?! HA! Ayan sige, mangisay kayo dyan sa sahig!"

Bigla na lang nagbaba ng braso si Ami. O___O

"HOY! Wala pa akong sinabing ibaba mo yan!" sita ko sa kanya with matching turo pa ng index finger.

"Alam mo? Wala akong nakikitang sense sa pinaggagawa natin! -___-  Gusto mong malaman kung anong dahilan ba't kami nagalit sayo?" may halong banta sa boses ni Ami at napaatras ako ng kaunti.

Nagbaba na rin ng braso si Suho. "Pero Ami. . . gusto mong malaman nya ang GINAWA nya sayo!?" 

Huh? Ginawa ko?! Kay Ami?

"Eh diba yun naman ang gusto nya?! Alam naman nating di nya tayo titigilan hangga't di nya nalalaman! -___-"

Si Macky naman ang nagbaba. "Pwede bang wag na lang natin sabihin? N-Nakakahiya kasi eh!"

"Bahala kayo. Ako sasabihin ko na. Tingnan natin kung di siya ma-shock!" Okay, ako na tuloy ang natatakot. >___<

"T-Teka nga!!! NAGBAGO NA ISIP KO!!" sigaw ko sa kanila. Pero si Ami, papalapit na sakin ngayon at nakakatakot ang mukha nya. Mukha na talaga syang MULTO!! "Um, kalimutan nyo na lahat. *laughs nervously* Ok na ko, pinapatawad ko na kayo sa lahat ng ginawa nyo. Haha."

Mukhang galit pa din si Ami na lumalapit. Aatras ako, lalapit sya, aatras ako, lalapit siya. WAAAH! Naipit na ako sa dingding at wala na akong kawala!!!

"Patawarin?? Huh. Kung iisipin nga, IKAW ang may ginawa samin ni Macky! At ikaw dapat ang humingi ng patawad!" sabi ni Ami nang face to face na kami. Nakakakilabot. Na-goosebumps tuloy ako bigla. . .

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon