KABANATA 19

31.2K 801 29
                                    

"Nathaniel naman eh." Umiiyak akong napasubsob sa dibdib nito. "Bakit ka ba ganyan?" iniangat ko ang mukha ko para ibaon naman ito sa kanyang kanang leeg.

Wala na yatang mas babango pa sa amoy ng kanyang balat. Ang natural na amoy ng isang napakaguwapo at napakakisig na lalaking labis-labis na nagmamahal sa 'kin.

Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ganito na lang ang pagtingin n'ya sa 'kin. Gayun din ang kung bakit naging ganito kalalim ang kanyang pagkahumaling. Hindi naman ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Hindi rin perpekto ang pakatao ko, dahil kung tutuusin, mas mababa pa nga yata ang dignidad ko sa isang ordinaryo.

Hindi ko mahukay kung anong tunay n'yang pinaghuhugutan. Ngunit bagama't hindi ko maarok ang 'di matinag na ugat ng kanyang nararamadaman. Alam kong kailangan kong bumawi sa kanya. Kahit na hindi ko pa kayang tumbasan ang pagmamahal na inaalay n'ya para sa akin, sa ngayon.

Mahal ko na si Nathaniel. Sana nga, dumating pa ang panahon na gumaling pa ako. Para naman makabawi pa ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya. Para naman napasaya ko pa s'ya, at mabigyan ng pagkakataong maging mabuting asawa sa kanya.

"Victoria..." Bulong n'ya; pinupupog ko ng halik ang palibot ng leeg nito, "Hindi mo kailangang gawin 'yan mahal ko. Nanghihina ka pa. M-magpahinga ka na lang mu--"

"Gusto ko Nathaniel." Natatarantang tinanggal ko na ang kanyang sinturon, "Gusto kitang maramadaman sa loob ko."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Ha?"

"Please?"

"P-pero Victoria..."

Hinang-hina man, hinila ko ito at itinulak sa kama. Napa-upo muna ito sa gilid ng kama, bago ako sumaklang sa kanyang kandungan.

"Please, mahal..." Siniil ko ng halik sa kanyang walang kasing-sarap na mga labi. Mga halik kong ginantihan naman n'ya ng mas higit pa, na halos ikawala naman ng aking katinuan.

Daig ko pa ang iniuugoy sa bawat pagdampi ng kanyang mga labi sa aking bibig; o ang binibitbit sa langit habang nadadarang sa init ng kanyang mga haplos at yakap.

Buong ingat n'ya akong inihiga. "Mahal na mahal kita, Victoria."

"Mahal na mahal din kita, Nathaniel." Bulong ko.

"Kung mahal mo talaga ako. Hindi mo hahayaan na magkahiwalay tayo. Huwag kang susuko! Samahan mong akong ipaglaban ang kinabukasan natin, Victoria. H'wag mo akong iiwanan!"

"S-susubukan ko..."

Hinalikan n'ya ako sa noo."Magpahinga ka at magpalakas..." Akmang aangat na ito paalis sa ibabaw ko.

Hinila ko ito, "Pero Nathaniel...gusto ko..."

Ang dulo ng ilong ko naman ang sumunod na hinalikan nito, "Halos hindi ka na nga makatayo d'yan, tapos gusto mo? Ano naman kaya ang ibubuga mo?" Bumungisngis ito.

"Kaya ko!" Nakangiti kong sagot dito. "Nakakatayo na ako 'no!" Bagama't ang totoo'y nanghihina pa rin ako, pinilit kong bumangon na animo'y walang iniinda. Bumaba ako sa kama, iniladlad ang palda at saka sumayaw na tila isang trumpong nagpapaikot-ikot.

Inihilig ni Nathaniel ang kanyang kaliwang siko, upang maiangat nito ang itaas na bahagi ng kanyang matipunong katawan.

Pinagtawanan nito ang aking pagsasayaw. Nagliwanag na rin ang mukha nitong hindi ko inakalang makikita ko pang nakangiti ngayong araw na 'to.  Ilang beses ko itong nilipitan at sinubukang tuksuhin. Pero umiling-iling lang ito at ipinagpilitan pa rin na dapat, magpahinga na lang muna ako.

Inilislis ko ang palda ko at ibinalandra sa kanyang harapan ang aking kanang binti. "Ayaw mo ba sa legs ko?"

Nakabungisngis pa rin ito na tila aliw na aliw sa panunukso ko sa kanya.

"Eh itong mga balikat ko?" Inilislis ko ang kwelyo ng bestidang suot ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan nang biglang bumukas ang pintuan ng tinutuluyan naming silid sa hotel. Iniluwa nito ang labing tatlong taong may mga maskara. Nakasuot ang mga ito ng mahahabang pulang hooded robes na sumasayad hanggang sa lupa.

Walang isang kurap na pinagkaguluhan ako ng ilan sa kanila. Anim ang humatak sa akin papalayo kay Nathaniel. Hinihila ako ng mga ito patungo sa kinaroroonan ng pinto.

Nilingon ko si Nathaniel sa gitna ng kaguluhan, natanaw ko itong walang malay na nakahandusay sa kama. Duguan ang bandang noo nito na wari'y pinukpok ito ng isang matigas na bagay.

"Nathaniel!"  Pinilit kong kumawala pero wala akong magawa sa anim na kataong may bitbit sa akin.

"Patayin n'yo na 'yan!" Utos ng isa sa mga nakapalibot sa asawa ko.  Naglabas ng isang matilos na punyal ang isa sa mga nakatayong pinakamalapit kay Nathaniel.  Dalawang kamay na iniangat nito ang hawak na patalim, habang itinututok nito ito sa may bandang dibdib ng asawa ko.  Nagsisigaw ako at nagpupumiglas. Ngunit ang lahat nang 'yon, nabalewala lang, dahil sa anim na taong pinagtulong-tulungan akong bitbitin palabas.

[Itutuloy]

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon