KABANATA 5

41.9K 1K 75
                                    

"Hija..." Isang tinig ang umaalingawngaw sa aking pandinig, "Hija!" Nagliwanag na rin sa wakas ang aking pag-iisip, "Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" Bumulaga sa akin ang mukha ni Sister Aurora.

Tumingin ako sa paligid. Halos lahat ng taong naabot ng aking paningin, nakatingin at nakalingong lahat sa akin.

"A-ano po bang nangyari?" Tanong ko rito.

"Ayon dito kay Nedy," Itinuro nito ang babaeng nasa aking kaliwa, "Bigla ka lamang daw nagkikisay sa kinauupuan mo bago ka nawalan ng malay."

Noon ko na namalayang nakalupagi na pala ako sa sahig.

"Eto po ang tubig, Sister." Sabi ng batang sakristan; iniaabot nito ang isang baso ng tubig kay Sister Aurora.

Kinuha naman 'yun ni Sister Aurora, bago nito ito iniabot sa akin. Uminom lamang ako ng kaunti, bago ko isinauli ang baso sa kanya.

Naramdaman kong may dalawang lalaking umakay sa akin upang maibalik ako sa pagkakaupo ko sa bangko. Naiilang pa rin ako, dahil sa hindi ko mabilang na mga taong nakatingin pa rin sa akin.

"Ano bang nangyayari rito?" Tinig 'yun ng isang lalaking nagmula sa likuran ng mga nakikiusyosong parokyano.

Nahawi ang dinadaanan nito; isa pala itong matandang pari. Iika-ikang lumapit ito sa akin habang inaakay ito ng dalawang sakristang kapwa nakatingin din sa akin.

Natulala ako, hindi sa matanda, kundi dahil sa mas nakababatang lalaking naka puting abito ng pari sa likuran ng nito. Nakatitig ito sa akin. Nakatingin ito sa paraang walang kasing talim.

"Father Gaudencio," Bungad ni Sister Aurora sa nakatatandang Pari. Papasugod din ito rito upang alalayan ito. "Ito po kasing si..." Timingin sa akin ang madre. Nangungusap ang nga mata nito na magpakilala raw sana ako sa kanila.

"Victoria po." Mahinang sagot ko.

"Victoria," Pagtutuloy ni Sister Aurora, "Ay bigla na lamang pong nawalan ng malay."

"Ganun ba?" Sabi ng Paring tinawag nilang Father Gaudencio, "Ano ba ang nararamdaman mo, hija? Nahihilo ka ba?"

"Medyo po." Mahinang sagot ko.

"Kaya mo pa bang dumalo sa Misa?" Tanong ni Sister Aurora

Hindi ako nagsalita. Napapasulyap pa rin ako sa nakababatang pari; masama pa rin ang tingin nito sa akin.

"Taga saan ka ba, hija?" Tanong ulit ni Father Gaudencio.

Taga saan nga ba ako? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Gustuhin ko mang sabihin ang totoo, nag-aalinlangan naman akong sabihin sa kanilang lahat na wala talaga akong matutuluyan.

"Para ipahahatid na lang kita, sa bahay n'yo." Dugtong ng matandang pari.

Sa halip na sumagot, yumuko na lamang ako. Napapahiya na rin kasi ako dahil sa sabay-sabay na pagtitig sa akin ng mga tao.

"H-huwag na po." Kinakabahan ako. "G-gusto ko pong dumalo s-sa m-misa."

Bigla akong nataranta matapos kong sabihin ang mga katagang 'yun. May natatanaw kasi kong isang matangkad na lalaking naka-itim na abito ng pari. Nakatayo ito sa mismong harap ng pulpito, na nasa kanang bahagi naman ng altar. Nakangisi ito sa akin. Kapansin-pansin, na kamukhang-kamukha rin nito ang lalaking parating sumusunod sa akin--'yung lalaking parating nanonood sa pakikipagtalik ko sa iba't-ibang mga lalaki.

"Sigurado ka ba?" Tanong sa akin ng matandang pari.

Biglang yumanig ang paligid. Muli akong napatingin sa may Pulpito. Wala na ang lalaking nakita ko ro'n kanina. Bagkus, ang nakita ko'y ang pitong kakilakilabot na nilalang--o multo. Nakahalubilo ang mga ito sa mga tao. Nakangisi pa rin ang mga ito sa akin, dahilan para mariin kong ipikit ang aking mga mata.

"Lubayan nim'yo ako!" Sigaw ko.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Dinig kong tanong ni Sister Aurora sa gitna ng pagbubulungan ng mga tao.

"Tulungan niyo po ako!" Hiyaw ko sa madre--nakapikit pa rin ako. "Parang awa n'yo na po." Pilit kong kinakapa si sister Aurora.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Hinila ako nito at inalalayan papunta sa kung saan. Nakapikit pa rin naman ako habang naglalakad kami. Unti-unting tumatahimik ang paligid, habang papalapit kami sa mas pribadong lugar.

"Ano ba talagang problema mo, hija." Pinaupo n'ya ako.

Unti-unti ko nang binuksan ang aking mga mata. Tumingin agad ako sa kanya at sa paligid. Nasa silid din ang matandang pari--maging ang nakababatang paring nakasimangot pa rin sa akin.

"Hindi ko rin po alam." Sagot ko, "At kung sabihin ko man sa inyo, baka hindi naman po kayo maniwala."

"Subukan mo kami, hija." Sabi ni Father Gaudencio.

Nag-aalinlangan man, ikinuwento ko sa kanila ang mga nararanasan ko. Ang pagbabago ko simula ng aking ikalabing-walong kaarawan. Pati na rin ang sari-sari kong nakikita sa aking kapaligiran.

"Unang tingin ko pa lamang sa 'yo." Sabi ng nakababatang Pari, "Alam ko na." Nakatingin pa rin ito sa akin nang matalim. "Nasa mga mata mo."

Tiningnan tuloy nina Father Gaudencio--at Sister Aurora, ang aking mga mata sa malapitan.

"Nasa mga mata mo... ang mga mata ng Diyablo!" Pagtutuloy ng mas nakababatang Pari.

Kinabahan ako. Ano naman kaya ang ibig n'yang sabihin? Sinasabi ba niya na sinasaniban nga ako ng demonyo?

"Malakas po ang pakiramdam ko na may sumasanib nga po sa katawan ko." Mangiyak-ngiyak na pangungumpisal ko. "Makukumpirma n'yo po ba kung sinasaniban nga ako ng Diyablo?"

Umiling-uling ang nakababatang pari.

"Kilala kita." Anya. "Kilala ko rin ang mga magulang mo."Lumapit ito sa kinaroroonan ko, "Kaya alam kong..." May dinukot itong kung ano sa kanyang likuran. "Ikaw mismo."  Unti-unting naging malinaw na sa akin kung ano ang dinudukot niya. Isa itong boteya ng tubig. May markang krus ang botelyang 'yun. "Ikaw mismo ang walang buhay na batang inialay nila sa Diyablo!" Winisikan ako nito ng banal na tubig.

[Itutuloy]

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon