Chapter Thirty Eight

Start from the beginning
                                    

"Get up, love." Aya niya saka hinila patayo ang nobya na nagpahila naman.

Tinungo nila ang balkonahe ng kwarto nila at nasorpresa si Scarlett dahil sa isang panig ng balkonahe ay may nakaayos na pandalawahang lamesa kung saan may hugis pusong cake sa gitna at may wine. Napapalibutan ng ilaw ang paligid ng balkonahe kaya hindi na nila kailangang magsindi ng ilaw.

Maluha-luhang ngumiti si Scarlett. Niyakap siya ni Andres mula sa kanyang likuran.

"Happiest birthday, love." Muli ay bati sa kanya ng nobyo.

"Thank you for making me happy." Sabi niya habang hinahaplos ang kamay ni Andres.

"Shall you blow your candle?" Tanong ni Andres saka siya iginiya palapit sa lamesa.

Gamit ang lighter na nasa lamesa ay sinindihan na ni Andres ang kandila sa cake pagkatapos ay pumikit siya at humiling. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Andres na mabilis na naangkin ang kanyang mga labi.

"I love you." Masuyong sabi ni Andres.

"Mahal din kita." Sagot niya.

And they ate together. Pagkatapos ay lumipat sila sa lover's couch na nasa balkonahe rin. Naupo roon si Andres at siya naman ay sumandig sa dibdib ng binata. Dahil nawala na ang antok ay nagkwentuhan sila. They shared stories. At kagaya ng mas madalas na mangyari, mas maraming kwento si Andres kaysa sa kanya. At mas gusto niya iyon. Mas gusto niyang makinig dito. Na ang ending ay nakakatulugan na niya ang pakikinig dito.

"Wake up, love..." Masuyong paggising ni Andres kay Scarlett.

Pinilit namang gumising ni Scarlett. Mataas na pala ang sikat ng araw. Sa balkonahe na sila nalipasan ng buong magdamag.

Sinulyapan niya si Andres saka ito nginitian. Ngunit bago niya pa talaga makita ang kabuuan ng nobyo ay nakuha na agad ng mga hot air balloons ang atensyon niya.

Napanganga siya sa pagkamangha. Parang may sariling isip na tumayo siya at lumapit sa barandilya ng balkonahe.

"Wow..." Halos pabulong niyang sabi.

Napakaganda ng mga makukulay at naglalakihang lobo sa himpapawid. Really a sight to behold.

Hanggang sa may mapansin si Scarlett sa mga naglalakihang mga lobo. Pinipilit ng mga itong magkapantay-pantay. At nang magawa iyon ay pilit naman niyang inunawa ang nakikita. Kada isang hot air balloons ay may tig-iisang letra. Sinimulan niya sa unang lobo na mayroong letrang W hanggang sa pinakadulo na may bantas na tandang pananong. Sa suma total ay mayroong labing limang hot air balloons ang nasa himpapawid na nagsasaad ng salitang "WILL YOU MARRY ME?"

Totoong namangha siya sa nakita. At bahagyang nainggit sa marriage proposal na iyon na sobrang nakakakilig. The proposal was full of effort; from the idea, to the cost and to the time it manages to come up with. Tanga na lang ang babaeng tatanggi sa proposal na ganito kaganda, kaenggrande at nakakakilig. The guy must love the girl so much para paghandugan ng ganitong klaseng pag-ibig.

How sweet and romantic... Saad niya sa isip.

Then she turned around upang harapin si Andres. Ngunit nakita niya itong nakaluhod. Hawak nito sa isang kamay ang nakabukas na pulang kahita. Awtomatiko niyang natutop ang bibig. All the while, para pala sa kanya ang marriage proposal na iyon.

"Scarlett..." Umpisa ni Andres na bahagya pang nanginginig ang boses.

Nagsimula ng mangilid ang mga luha ni Scarlett habang nakatingin sa nobyo na maluha-luha rin.

"I know that you've had a hard life. You've been through a lot of tremendous living. Hindi naging madali sa'yo ang buhay and as a matter of fact, isa ako sa mga taong nanakit at nanghusga sa'yo." Litanya ni Andres. "But here I am now, trying my hardest not to tremble. Attempting not no even stammer. Striving to make the best out of those situations." Kinakabahang sabi ni Andres na bahagyang ikinangiti ni Scarlett.

"Pwede mong sabihin na may kakapalan ang mukha ko pero hindi mo pwedeng paalisin sa buhay mo. Because you are my life, Scarlett. Cliché as it may sound, but you are the air that I breath. Kung wala ka, hindi ako mabubuhay. The past three years of my life was a mess and hellish at ayoko ng bumalik doon. Gusto kong mabuhay ng kasama ka. Gusto kong masilayan ang mukha mo paggising ko sa umaga. Gusto kitang samahan sa lahat ng journey mo sa buhay at maging karamay at kaibigan mo sa hirap at ginhawa. I want to grow old with you. Hanggang sa maputi na ang lahat ng buhok natin. Hanggang sa wala na tayong ngipin. Hanggang sa hindi na tayo makakain. I want to experience those things with you. I want to experience life with you. And I'll be damned if I'll lose you again." Madamdaming pahayag ni Andres na tuluyan nang nagpaiyak sa kanya.

"Will you allow this man to share life with you?" Tanong nito. "Will you take this man to be with you, every minute and every second of your life? Will you give me the honor to be your future husband? To be the father of your children?" Sunud-sunod na tanong ni Andres. "Will you be my wife, Scarlett? Will you marry me, my love?" Masuyong tanong nito.

Mabilis niyang sinapo ang magkabilang pisngi ni Andres at siniil ito ng isang marubdob na halik.

"I will, Andres. I will marry you." Sabi niya nang huminto siya sa paghalik dito.

Mabilis na isinuot ni Andres ang singsing sa kanyang palasingsingan at binuhat siya. Pinaikot-ikot siya nito at pagkatapos ay muling hinalikan.

=÷×÷=÷×÷=÷×÷=÷×÷=÷×÷=÷×÷=÷×÷=÷×

Buti pa sa mga story na naisulat ko, laging may magandang marriage proposal at ending... 🤦🤦🤦

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now